top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Mabagal na proseso ng mga LGUs, dahilan kaya usad-pagong ang programa sa bakuna

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 25, 2021
  • 2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | June 25, 2021



Binaha ng post ang social media kahapon.


Yumao na si dating Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III.


Namaalam siya sa edad na 61.


◘◘◘


NANATILI namang malusog ang iba pang dating puno ng bansa na sina ex-P-FVR, ex-P-Erap, at ex-P-GMA.


Hindi COVID ang ikinamatay ni ex-P-Noy kundi lung cancer!


◘◘◘


KAHIT si P-Digong ay makikitang malusog pa rin sa gitna ng katandaan.


Nakikipagsapawan pa siya kay VP Leni kaugnay sa diskarte kung paano lalabanan ang COVID!


◘◘◘


SA nakaraang araw, mas napapansin ng mga netizens ang pagkakaiba sa leadership styles ng dalawa.


Kumalat sa social media ang pag-uusisa sa pag-handle nina P-Duterte at VP Leni sa paghihikayat ng mamamayan para magpabakuna!


◘◘◘


MATAPOS magbanta si P-Digong na ipaaaresto niya ang mga ayaw magpabakuna o lumayas na lang sila ng Pilipinas, kinabukasan ay umusad ang Vaccine Express na programa ng VP!


Nagbigay siya ng gas incentive sa mga nagpabakunang TODA drivers at delivery riders sa Maynila!


◘◘◘


ANG mga magbabakuna ay tatanggap pa ng P500 na pambili gas.


‘Kay buwenas naman ng mga kolokoy.


Nakatsamba sila!


◘◘◘


HINDI dapat takutin ang mamamayan para magpabakuna, nagkukusa sila.


Ang problema, may red tape at pinahahaba pa ang pila, gayung puwede namang magaan ang proseso sa vaccination!


◘◘◘


MAS mabuti ay pasunurin ang mga “anak” sa pagpapakita ng kabutihang-loob tulad ng “ina”, kaysa takutin tulad ng “amang brusko”.


Kapos ng suplay ng bakuna sa ilang LGUs.


Ibig sabihin, nagkukusa ang mga tao na magpakuna, iilan lang talaga ang ayaw dahil sa lihim na impormasyon na natatanggap mismo rin sa social media!


◘◘◘


NAKA-SETUP na ang mass vaccination sa lahat ng LGUs sa buong bansa.


Ang problema lang talaga ay supply at mabagal na proseso sa ilang LGUs!


◘◘◘


LITERAL na biyuda si VP Leni.


Parang ganu’n na rin ang role niya sa pambansang gobyerno—halos mag-isang kumakayod, inaasikaso ng lahat, pinagkakasya ang budget, patas ang trato sa bawat anak!


◘◘◘


NAPAKALAKING ginhawa ng isang ilaw ng tahanan sa gitna ng dilim ng pandemya na kinahaharap ng Pilipinas.


Sa eksena ng kaliwa’t kanang biglaang pagyao ng mga popular at ordinaryong tao, hindi maiiwasan makaranas ng depresyon ang mamamayan!


◘◘◘


MAHALAGANG maramdaman ng bawat mamamayan ang wagas na pagkalinga at pagmamahal ng gobyerno.


Wala nang susulingan ang mga naulila sa mahal sa buhay sa gitna ng pandemya, kundi ang pamahalaan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page