top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Maaari pa ring umangat sa trabaho kahit mayroong mental condition

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 14, 2020
2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | December 14, 2020



Dear Chief Acosta,


Napansin ng kapatid ko noong nakaraang taon na madalas siyang nagiging matamlay at malulungkutin. Hindi siya sadyang ganun sapagkat siya ay masayahing tao. Kung kaya’t simula ng taong ito ay nagpapatingin na siya sa psychiatrist at napag-alaman niyang siya ay mayroong depresyon. Dahil ayaw niyang itago ito sa kanyang pinagtatrabahuang pribadong kompanya ay ipinaalam niya ang kanyang kondisyon. Kahit naman mayroon siyang kondisyon ay maayos niya pa rin namang nagagampanan ang kanyang trabaho. Nais lamang niyang malaman kung makaaapekto ba ang kanyang kondisyon sa promotion sa trabaho. – Marose


Dear Marose,


Ang kapakanan ng bawat isa sa atin ay pinahahalagahan sa pamamagitan ng mga batas. Maliban sa pisikal na kapakanan ay pinahahalagahan din ang mental na kapakanan ng bawat Pilipino, at ito ay mababanaag sa mga probisyong nakasaad sa ilalim ng Republic Act (R.A.) No. 11036, o mas kilala bilang “Mental Health Act.”


Para sa mga pribadong manggagawa, ipinalabas ng Department of Labor and Employment (DOLE) noong Pebrero 11, 2020 ang Department Order No. 208, Series of 2020, upang magsilbing gabay sa mga manggagawa at employers sa maayos na pagpapatupad ng mga polisiya at programang tutugon sa kanilang mental health. Batay sa nabanggit na Department Order:


“IV. Components and Implementation Strategies of the Mental Health Workplace Policy and Program:
x x x
C. Social Policy
1. Non-discriminatory policies and practices
a. There shall be no discrimination in any form against workers who are at risk of developing or who are found to have mental health condition. Workers shall not be discriminated against from hiring, promotion, and/or other benefits of employment because of their condition provided, however, that such condition shall not interfere with the employee’s performance of their job or unduly affect his own safety or that of his co-workers, clients and the general public.
x x x
e. A worker shall not be terminated from work on the basis of actual, perceived or suspected mental health condition unless the condition progresses to such severity that it affects his/her own safety or safety of co-workers and work performance and productivity upon the certification issued by a competent public health authority with expertise on mental health.” (Emphasis supplied)

Kaugnay nito, masasabing hindi dapat makaapekto ang kanyang kondisyon sa pag-usad o pag-angat sa trabaho kung nasa-satisfy o natutugunan niya ang mga kuwalipikasyon at/o kondisyon upang siya ay umangat o ma-promote sa trabaho at ang kanyang kondisyon ay hindi sumasagabal sa performance pati na rin sa pakikitungo sa mga katrabaho at/o kliyente ng kanilang kompanya.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyong inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page