top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Maaari ba papanagutin ang opisyal ng kumpanya?

BULGAR
Jun 11, 2022
2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | June 11, 2022


Dear Chief Acosta,


Ako ay na-hire ng maliit na kompanya upang pinturahan ang labas ng kanilang gusali. Tatlong linggo na ang nakararaan mula nang matapos ko itong pinturahan, subalit, hindi pa rin nila ako binabayaran dahil hindi pa diumano nagagawa ang tseke ng kompanya. Maaari bang singilin ko na lamang ang general manager na nakausap ko para siya na lamang ang magbayad para sa aking serbisyo? - Enei


Dear Enei,


Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinalakay na ng ating Kagalang-galang na Korte Suprema sa kasong Mercy Vda. De Roxas vs. Our Lady’s Foundation (G.R. No. 182378, March 06, 2013, Ponente: Honorable Former Chief Justice Maria Lourdes Aranal-Sereno), kung saan sinabi na:


“[ . . . ] a corporation is a juridical entity with a legal personality separate and distinct from those acting for and on its behalf and, in general, of the people comprising it. Hence, the obligations incurred by the corporation, acting through its officers such as in this case, are its sole liabilities. x x x


“[ . . . ] in order for us to hold x x x x personally liable alone for the debts of the corporation and thus pierce the veil of corporate fiction, we have required that the bad faith of the officer must first be established clearly and convincingly.”. (Binigyang-diin)


Samakatwid, malinaw na kinakailangan munang mapatunayang ang presidente o mga opisyal ng kompanya ay may bad faith o intensiyong kayo ay lokohin, bago siya magkaroon ng pananagutan para sa mga pagkakautang ng kanyang kompanya. Ibig sabihin, hindi ninyo maaaring mapanagot ang nasabing general manager para sa obligasyon ng nasabing kompanya hangga’t hindi napatutunayang siya ay may intensiyon na kayo ay lokohin sa nasabing kontrata ng paggawa.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page