top of page

Lumayas ng 'Pinas para magpagamot… KRIS, 'DI LANG ISA, 5 ANG SAKIT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 16, 2022
  • 1 min read

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | January 16, 2022





Isang matinding panalangin at hindi pamba-bash galing sa ilang netizens ang kailangan ngayon ng Queen of All Media na si Kris Aquino para sa kanyang pinagdaraanan.


Sa ngayo'y sumasailalim sa matinding gamutan si Kris dahil sa kanyang autoimmune disease o kondisyon kung saan ang ating immune system ay inaatake mismo ang ating katawan imbes na pinoprotektahan ito.


May chronic spontaneous urticaria si Kris na tinatawag ding hives o 'yung matinding pamumula ng balat at pagpapantal, isang allergic reaction mula sa kinain at nainom na gamot.


Kinakailangan ni Kris ng tamang dosage of antihistamines para hindi lumala at magkaroon pa ng mas matinding allergic reactions sa katawan.


Sa kasalukuyan, may limang disorders ang aktres bukod sa chronic spontaneous urticaria.


Mayroon din itong severe migraine, hypertension, fibromyalgia at overproduction ng thyroid antibodies.


Gaya ng naunang naiulat, lumipad sa isang 'di pinangalanang ospital sa Singapore si Kris para ikonsulta ang kanyang lumalalang karamdaman. Wala pa ring updates kung nakabalik na sa bansa ang TV host.


Kung may ilang namba-bash sa kanya, mas maraming nagmamalasakit kay Kris at humihingi ng pang-unawa at dasal para sa kanyang agarang recovery.


Sabi pa ng isang masugid na supporter ni Kris, "Let's all pray for Miss Aquino. After all, isa rin tayo sa napangiti at napahanga sa kanyang husay bilang aktres at celebrity talk show host."


Pakiusap pa niya sa lahat, "'Wag samahan ng pulitika ang post na ito dahil hindi siya politician (o tumatakbo sa isang puwesto). Isantabi ang pulitika, kailangan ni Kris ngayon ang inyong mga dasal. Mahina na ang kanyang pangangatawan."


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page