top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Luke Skywalker, sosolo sa Handicapping System

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 10, 2023
  • 1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | March 10, 2023



Sisikapin ng Luke Skywalker na masolo ang panalo sa pagsalang nito sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na ilalarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City sa Batangas ngayong araw.


Inaasahang liyamado sa laban ang Luke Skywalker na sasakyan ni jockey Isaac Ace Aguila kung saan ay makakalaban niya sina Doktora, Paapa Ohh Mamaw, Calamian Island, Hook On D Run, Isla Puting Bato at American Dream.


May distansiyang 1,200 meter race, nakalaan ang garantisadong premyo na P25,000 na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta at P10,000 karagdagang premyo na kukubrahin ng winning horse owner.


Maganda ang ipinakitang takbo ni Luke Skywalker sa nakaraang takbo nito kaya malaki ang tsansa na manalo ito sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Walong races naman ang inihanda ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Biyernes kaya paniguradong masaya ang mga karerista sa kanilang pananaya.


Samantala, sa Linggo na pakakawalan ang 2023 PHILRACOM 3-Year-Old Maiden Stakes Race na sasabakan nina Chrome Bell at Petron.


Paniguradong magandang laban ang masisilayan ng mga karerista dahil may 14 na kabayo ang posibleng magtagisan ng billis sa distansiyang 1,400 meter race.


Sasakyan ni dating Philippine Sportswriters Association, (PSA), Jockey-of-the-Year awardee Jonathan Basco Hernandez ang Chrome Bell habang si class A rider Jeffrill Tagulao Zarate ang gagabay sa Petron.


Nasa P1.2-M ang guaranteed prize, ang ibang kasali ay sina Barrowed Heaven, Destin Guest, Easy Way, I Under Oath, Kanyon For Freedom, Pay D Lady, Runway Ten, Save My Savings, The Alpha Male, Uncle Vhines, Whamos at Wolf Gang.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page