LUIS, TODO-PARINIG PARA MAGING REGULAR ANG SHOW NA KAPALIT NG IT'S SHOWTIME
- BULGAR
- Oct 20, 2023
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | October 20, 2023

Buong-ningning na in-announce ni Luis Manzano ang nalalapit na pagbisita ng kanyang ina, ang Star for All Seasons na si Vilma Santos, sa It’s Your Lucky Day kahapon.
Nagpahatid kasi ng mensahe si Ate Vi kay Luis na nanonood siya sa live episode nila kahapon which incidentally ay ang ika-anim na episode ng It’s Your Lucky Day. Kaya binati ni Luis at mga kasamahang hosts sa Kapamilya noontime show si Ate Vi.
Pagkatapos ay in-announce na ni Luis ang sinabi sa kanya ni Ate Vi na dadalaw sa kanilang programa in one of their episodes. At malamang, any moment na ito mangyayari.
As we all know, ang It’s Your Lucky Day ay pansamantalang isinalang bilang pagsunod ng It’s Showtime sa 12-day suspension na ipinataw sa kanila ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).
Kahapon ay naka-one week na ang It’s Your Lucky Day kaya may ilang araw na lamang ang natitira para sa kanilang show.
Bilang suporta sa anak, aapir si Ate Vi sa It’s Your Lucky Day anytime now. At tama lang na umapir si Ate Vi, dahil sa true lang, sa kanya galing ang pagtawag kay Luis ng “Lucky” bilang pet name ng aktres sa kanyang eldest son.
Plus, nasa cloud nine si Ate Vi ngayon dahil sa pagkakapasok ng kanyang “comeback” and “reunion” movie with Christopher de Leon, ang When I Met You in Tokyo sa 2023 Metro Manila Film Festival. Puwedeng-puwede nang mag-ingay si Ate Vi ng kanyang movie.
But prior to Luis' mentioning Ate Vi’s appearance sa It’s Your Lucky Day, nauna na niyang nabanggit ang name ng kanyang ama na si Edu Manzano.
Binati ni Luis si Edu on air at sinabing miss na niya ang kanyang ama dahil matagal na raw niyang ‘di nakikita ito. At may pa-tribute pa si Luis kay Edu bilang tinitingala niya sa larangan ng hosting.
Pero teka, bakit nga ba ‘di napagkikita si Edu ngayon ng publiko? Hurting ba siya sa balitang hiwalayan nila ng girlfriend niyang si Cherry Pie Picache? Or umiiwas lang siya na matanong sa estado ng kanilang relasyon?
Going back to Luis, panay din ang “parinig” nito sa show and on his socmed accounts na magtuluy-tuloy pa rin ang kanilang programa.
Post ni Luis sa kanyang IG, “Kung sakali lang na maging Lucky nga ('di masama mangarap), ano'ng mas gusto n'yo sa It’s Your Lucky Day, before Showtime or before TV Patrol, at bakit?"
Nag-reply naman ang kanyang mga followers. And most of them, mas type nilang ilagay ang It’s Your Lucky Day bago mag-TV Patrol.
Malamang natuwa ang ABS-CBN management sa naging performance ng IYLD sa audience kaya nagpaplano silang huwag putulin ang show sa ere, kaya may ganitong pa-survey si Luis.
Well, let’s see.




Comments