Lubog sa utang, ayaw bigyan ng work… KEN CHAN, INIWAN SA ERE, MASAMA ANG LOOB SA GMA-7

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | September 14, 2026

Photo: File / Ken Chan - IG
“Masama ang loob ni Ken Chan sa GMA?” ito ang ibinalita ni ‘Nay Cristy Fermin kasama si Romel Chika sa Showbiz Now Na (SNN) vlog na in-upload kahapon, Linggo, Setyembre 13.
Kuwento ni ‘Nay Cristy, “May mga sources po kami mula sa Thailand at ito po ay tungkol kay Ken Chan. Si Ken Chan pala ay ‘di nagtatrabaho sa isang restaurant, (kundi) nagsa-sideline lang s’ya sa catering kasi wala s’yang work permit.”
“Ahh, kaya on call lang, ‘ika nga,” saad ni Romel Chika.
Patuloy ni ‘Nay Cristy, “Sumisingit-singit lang at naikuwento ng aking source na masama po pala ang loob nitong si Ken Chan sa GMA-7. May matindi s’yang hinampo dahil meron pala s’yang sinubukang tawagan na ehekutibo ng istasyon at nakikiusap s’ya na baka naman puwede s’yang magkaroon ng trabaho. Ang sagot sa kanya (ehekutibo), na tama rin naman, ‘Ayusin mo muna ang mga problema mo, bayaran mo muna ang pagkakautang mo,’ ganu’n.”
Reaksiyon ni Romel Chika, “Pero ang tanong kasi, paano mababayaran kung wala naman s’yang pinagkakakitaan?”
Balik-kuwento ni ‘Nay Cristy, “Pero dapat harapin n’ya muna ang mga naniningil, makipag-usap s’ya nang maayos hanggang sa mapag-usapan nila na sa ganitong panahon po, para may deed of assignment s’ya, babayaran ko po kayo ng ganito, merong akinse, merong a-treinta. Basta lahat na mapagbigyan niyang bayaran, lahat ng pagkakautang n’ya.”
Humingi rin daw ng legal assistance si Ken sa network dahil wala na nga siyang pambayad ng abogado pero wala raw naging tugon ang GMA.
“Kaya nga po, napakatindi raw po ng sama ng loob at sabi raw ni Ken, siguro nakainom s’ya nu’ng (nagkuwento), ‘Ganu’n na lang ba ‘yun? ‘Di ba minsan, isang panahon, naging Kapuso ako, tapos kahit paano naman ay nag-rate ‘yung mga programa kong ipinagkatiwala nila sa
‘kin?’” kuwento pa ng SNN host.
Naalala nga rin daw ni ‘Nay Cristy ang kuwento ni Archie Alemania sa interview dito ni Ogie Diaz na nu'ng magkaroon din siya ng legal na problema ay tinanggal siya sa mga shows ng Kapuso.
Sabi pa ni ‘Nay Cristy, iba raw ang sitwasyon sa ABS-CBN.
“Kahit may problema ay bibigyan pa rin ng trabaho hanggang sa matapos mo ang problema mo. Kasi kung ikaw ay itinuturing na Kapamilya, Kapuso o Kapatid o kung anuman, dapat, kung nasa madilim ang mundo mo, du’n sila magbibigay ng ilaw.”
Hirit ni Romel Chika, “Ito ‘yung panahong nasaan kayo?”
Nabanggit ding hindi na kinokontak o tinatawagan ngayon ng mga kaibigan si Ken Chan para kumustahin, at wala ring nagtatanong kung buhay pa siya. Totally, naglayuan na raw.
“Ang tunay na kaibigan, dapat, katabi mo sa panahon ng paghamon at kung kailan mo kailangan ng magbibigay sa ‘yo ng suporta. Suwertihan lang ang pagkakaroon ng tunay na kaibigan,” diin ni ‘Nay Cristy.
Well, kumusta na nga kaya si Ken Chan?
INIHAYAG na kahapon, Linggo, Setyembre 13, ni Film Academy of the Philippines (FAP) Director-General Paolo Villaluna ang mga pelikulang napili bilang entry ng Pilipinas sa ika-99 na Academy Awards na gaganapin sa March 14, 2027, sa Dolby Theater, Hollywood, Los Angeles, California, USA.
Ang pelikulang Filipiñana ang napili para sa Best International Feature Film na pagbibidahan ni Jorrybell Agoto.
Ang iba pang napili ay ang 58th para sa Best Documentary Feature, at Agapito para sa Best Live-Action Short Film.
Ginawa ni Paolo Villaluna ang anunsiyo sa seremonya ng panunumpa ng LENTE, isang bagong tatag na samahan ng mga entertainment journalists sa ilalim ng nasabing organisasyon.
Ipinagpaliban ng FAP ang pag-aanunsiyo ng mga opisyal na lahok ng bansa sa Oscars, na orihinal na nakatakda nu'ng Setyembre 4.
Ang Filipiñana, na isinulat at idinirek ni Rafael Manuel, ay tumatalakay sa mga pagkakahati sa lipunan at ang dinamika ng kapangyarihan sa loob ng eksklusibong club. Ito ay ipinrodyus nina Jeremy Chua, Alex Polunin, Bianca Balbuena, Bradley Liew, Nadia Turincev, Omar El Kadi, Manuel at ng aktres-producer na si Sylvia Sanchez ng Nathan Studios.
Ang ika-99 na Academy Awards ay nakatakdang ganapin sa Marso 14, 2027, at hoping na sa pagkakataong ito ay maiuwi ng Pilipinas ang parangal para sa kategoryang Best International Feature Film.
Noong nakaraang taon, isinumite ng bansa ang Magellan ni Lav Diaz para sa ika-98 Academy Awards ngunit hindi nakapasok ang pelikula sa opisyal na shortlist ng Academy.





Comments