top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Loyzaga, nailuklok sa FIBA Hall of Fame

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 4, 2023
  • 1 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | June 4, 2023



Natupad sa wakas ang matagal na inaasam ng mga Filipinong nagmamahal sa Basketball at naihalal na bilang bahagi ng FIBA Hall of Fame si Carlos "The Big Difference" Loyzaga noong Biyernes. Maituturing na pinakamahusay at ginagalang na manlalaro ng bansa, pormal na iluluklok si Loyzaga at ang ilang iba pang mga bagong kasapi sa isang seremonya na bahagi ng pagdaos ng 2023 FIBA World Cup.


Hindi makakalimutan ang pamumuno ni King Caloy sa pambansang koponan na nagtapos ng pangatlo sa 1954 World Cup sa Brazil. Hanggang ngayon, iyan pa rin ang pinakamataas na antas na naabot ng koponang Asyano.


Maraming beses ding naglaro sa Olympics, Asian Games at ABC Championship na ngayon FIBA-Asia Cup si Loyzaga. Siya rin ang susi sa maraming kampeonato ng kanyang paaralan San Beda College (University) sa NCAA at Yco Painters sa MICAA, ang primera liga bago itinayo ang PBA.


Sumakabilang-buhay si Loyzaga noong 2016 sa edad na 85. Inaasahan na kakatawanin siya sa seremonya ng kanyang maybahay Vicky at mga anak na sina Chito, Teresa, Joey, Princess at Bing.


Sa ngayon, isang Pinoy lang ang nasa HOF na Dionisio "Chito" Calvo na minsan naging coach ni Loyzaga. Si Coach Calvo ay kinilala noong 2007 hindi lang para sa pagiging mahusay na coach kundi para sa mga kanyang ambag bilang opisyal ng MICAA at ABC.


Kasabay na pararangalan ang mga atletang sina Yao Ming ng Tsina, Yuko Oga ng Japan, Penny Taylor ng Australia, Katrina McClain ng Estados Unidos, Wlamir Marques ng Brazil, Amaya Valdemoro ng Espanya, Sonny Hendrawan ng Indonesia, Angelo Monteiro dos Santos Victoriano ng Angola at ang namayapang si Zurab Sakandekidze ng Georgia.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page