top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Loyal talaga sa TVJ… ALDEN, 'DI MAPIPILIT NG GMA-7 NA MAG-GUEST SA EB! AT SHOWTIME

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 12, 2023
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 12, 2023




Marapat sigurong respetuhin na lang kung tanggihan man ni Alden Richards ang pagge-guest sa Eat… Bulaga! ng TAPE, Inc. at sa It’s Showtime na ipinapalabas sa GTV. Pareho kasing katapat ng E.A.T. nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon ang dalawang nabanggit na noontime shows.


Malaki kasi ang respeto ni Alden sa TVJ at mga Dabarkads na tumatayong mga hosts ng nasabing programa na umeere ngayon sa TV5. Kaya ang ipinangako niya sa kanyang sarili ay hinding-hindi siya lalabas sa EB! at It’s Showtime.


For sure, hindi naman pipilitin at oobligahin ng GMA Network si Alden na mag-guest sa mga nabanggit na noontime shows. Alam din naman nila na malaki ang utang na loob nito sa tatlong veteran hosts, kaya’t maiintindihan nila ang kanyang sitwasyon.


Matagal ding naging bahagi noon ng EB! si Alden kasama ang TVJ at mga Dabarkads. Hindi rin maitatanggi na sumikat siya nang husto dahil sa phenomenal love team nila ni Maine Mendoza.


Nabuo ang tambalan ng dalawa dahil sa segment ng EB! na Kalye-serye. Talagang tumatak at sinubaybayan sila ng mga viewers sa iba’t ibang panig ng bansa.


‘Yun ang isa sa mga milestones sa buhay at career ni Alden na hinding-hindi niya malilimutan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page