top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Loyal Marcos supporter… IMELDA, GINAWANG PCSO DIRECTOR NI PBBM

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 10, 2024
  • 4 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | June 10, 2024



Showbiz News


IT pays to be loyal talaga. 


Dahil sa pagiging Marcos loyalist ng Jukebox Queen na si Ms. Imelda Papin, nagbunga na ang kanyang all-out support sa pamilya ni the late Pres. Ferdinand Marcos at ng kasalukuyang pangulo na si Bongbong Marcos. 


Ipinagkatiwala kay Ms. Mel ang maging isa sa mga direktor ng Phil. Charity Sweepstakes Office o PCSO kaya mula ngayong Lunes, kailangan na raw niyang pumasok sa opisina para mapag-aralan na ang mga kailangan niyang gawin at asikasuhin. 


Todo-pasalamat si Ms. Mel kay PBBM sa tiwala sa kanya. Bagama’t first time niya sa ganitong posisyon, ‘di na rin naman daw bago ang gagawin niya dahil noon pa mang vice-governor siya ng Bicol, talagang may mga proyekto na siya sa pagtulong. 


Kaya ngayong nasa PCSO na si Ms. Mel, uumpisahan daw niya ang “Isang Linggong Serbisyo” program kung saan 7 days nang makakalapit sa kanila ang mga gustong humingi ng tulong, as in from Monday to Sunday. 


Tinanong namin si Ms. Imelda kung paano na ang mga offers sa kanya na tumakbong senador ngayong nasa PCSO na siya. 


Aniya, malayo pa naman ang eleksiyon kaya sa ngayon, ang pagiging PCSO director muna ang tututukan niya, although ‘di raw niya isinasara ang posibilidad sa pagtakbo sa Senado.


Ang tiniyak ni Ms. Mel, hindi niya iiwan ang pagkanta at pag-arte dahil kailangan din naman daw niyang kumita. 


So, soon ay ipapalabas na rin daw ang kanyang movie titled Imelda Papin: The Untold Story na dating Loyalista


Pinalitan niya ang title dahil napupulitika raw siya at baka raw isipin ng mga anti-Marcos na puro tungkol sa buhay ng dating First Family ang story kaya ginawa na lang niyang Imelda Papin: The Untold Story



TAWANG-TAWA ang press people sa kuwento ng mag-asawang Ice Seguerra at Liza Dino nu’ng nakaraang presscon nila para sa kanilang first stage play titled Choosing (Not a Straight Play). 


Dahil tatalakayin nga ang mga issues ng mga miyembro ng LGBT community sa Choosing, siyempre ay natanong din si Ice tungkol sa mga issues niya sa kanyang sexuality. 


Ibinuking naman ng kanyang misis na si Liza na noon pala ay big deal kay Ice ‘pag tinatawag siyang “Ma’m” kahit pa nga transman na siya. Kahit daw ang ganda-ganda ng mood ng singer sa umaga, ‘pag may tumawag na sa kanya ng “Ma’m” ay nasisira na ang buong araw nito. 


Pero eventually, matapos daw ang ilang ulit at mahabang paliwanagan, naintindihan na rin ni Ice na kung ‘di man niya mapilit ang lahat na tawagin siyang “Sir” imbes “Ma’m” ay siya na lang ang mag-adjust. 


Pero mas natawa ang press sa kuwento ni Ice na minsan, may fan na nakakilala sa kanya at tuwang-tuwa pa raw na tinawag siyang “Jake Zyrus”. 

Naloka man, natawa na lang din si Ice dahil at least daw ay alam ng naturang fan na nagpalit na siya ng gender. 


Ang dami pang kuwento ng mag-asawang Ice and Liza sa mga pinagdaanan nila sa kanilang relasyon na dapat abangan sa kanilang Choosing stageplay na mapapanood simula sa June 29 to July 7 sa Power Mac Spotlight Blackbox Theater, Circuit, Makati.


Mula sa direksiyon ni Dr. Anton Juan, ang Choosing ay mula sa panulat ni Liza Dino. 



NAKAKABILIB ang American singer na si Sahara dahil kahit banyaga ito,  madamdamin kung kumanta ng mga OPM songs, birit kung birit pero may poise, power, at passion pa rin. 


Isang international recording artist si Sahara na nakabase sa Las Vegas, USA, at kilala roon bilang American Anthem Diva at ang opisyal na mang-aawit para sa kabataan sa mga kaganapan sa liga ng NASCAR. 


Inilunsad ni Sahara ang kanyang propesyonal na karera bilang isang OPM singer sa kanyang debut single na pinamagatang Dahil Ba Sa Kanya na orihinal na inawit ng "Queen of Soul" na si Jaya ng Pilipinas. 


Namangha ang mga nakinig sa kanyang kahanga-hangang rendition, na iniisip ng marami na si Sahara ay isang Pilipina. 


Muling maaantig ng classically-trained vocalist ang puso ng mga Filipino at bibihagin sila sa kanyang pinakabagong OPM, ang Agos, isang original power ballad sa pakikipagtulungan niya kay Paul Sapiera, frontman at lead guitarist ng Pinoy band na Rockstar. 


Regarding how the song Agos came to fruition, Sahara shared, “I first met Paul a couple of years ago at a Filipino bar called ‘Noypitz’. Kinanta ko ang Sayang Na Sayang for karaoke and right afterward, he introduced himself and we immediately started talking about working together. Pero last year lang kami nakapag-collaborate sa isang Christmas song na Aginaldong Mithi. 


“We really enjoyed working together and I told him I wanted to try doing a rock song, and he sat down at the piano in my studio and sang Agos for me... and I was instantly in love! It had everything I wanted and we started rehearsing right away. I never met anyone as talented yet humble as Paul, and he really challenged me to take my passion for OPM to a new level,” aniya. 


Nang tanungin tungkol sa kung kailan nagsimula ang kanyang hilig sa pagkanta ng OPM, sinabi ni Sahara, na mahusay ding kumanta sa English, Spanish, French, Italian, at German, “I grew up in Southern California in a very diverse community, and so I listened to lots of different kinds of music in English, Spanish, and Tagalog. I would listen to artists like Regine Velasquez with my Filipino-American friends in middle school, but I was very shy, so I would wait until I was home alone to try singing along.


“But then about five years ago I had a Filipina vocal coach, and I asked her about a song I heard on a YouTube travel video called Dahil Ba Sa Kanya that I wanted to learn. We spent months working on the pronunciation and accent, and it ended up being one of the most challenging things I’ve done as a singer, and in the process, I really fell in love with how Tagalog sounds when I sing it. 


“When I finally sang Tagalog in public for the first time, the audience reaction was so amazing it changed my life. Since then, I’ve worked with different Filipino coaches and producers, always striving to be a better singer and sound more authentic and truly be an OPM singer,” she elaborated.


As to her plans for her singing career, Sahara said, “I will continue to follow my heart and keep recording more Original Pilipino Music as long as my fans support what I do.


“When the time is right, I’ll visit the Philippines to promote my music and more importantly, meet my fans.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page