top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Loving-loving sa Rome… COCO, BINASTED NI JULIA NOON, MAGDYOWA NA NGAYON

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 9, 2023
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | November 9, 2023



Binasted pala noon ni Julia Montes si Coco Martin noong unang mag-attempt ang aktor na manligaw sa kanya.


Taong 2014 'yun at hindi akalain ni Coco na babastedin siya ni Julia.


Kaya ngayon ay masaya niyang binabalikan ang mga alaala sa kanyang buhay-pag-ibig. At mukhang ibinalik ng panahon ang lahat nang muli silang pinagtagpo ng landas ni Julia.


At kahit wala silang pag-amin sa real status ng kanilang relasyon ngayon, open na sina Coco at Julia na ilantad sa publiko ang mga kaganapan sa kanilang buhay.


Hindi na sila patagu-tago kapag nagpupunta sa mga showbiz events. Recently ay magkasamang nagbakasyon sa Rome sina Julia at Coco at inilabas na nila sa social media ang kanilang mga sweet moments together.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page