top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Lovi, sinasaniban ni FPJ.

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 23, 2022
2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | November 23, 2022




Pangarap ni Lovi Poe na ang susunod niyang project sa ABS-CBN at Dreamscape Entertainment ay may kinalaman sa action dahil ito ang matagal na niyang inaasam-asam.


Vocal naman ang anak ni Fernando Poe, Jr. o Da King na gusto niyang gawin ang Ang Panday female movie version.


Kaya isa sa mga dahilan din kung bakit niya tinanggap ang Flower of Evil series na bukod sa nanonood talaga siya ng K-Drama, gusto niya ang kuwento at may aksiyon din.


Natanong siya kung nu’ng gumawa ba siya ng action scenes ay may pakiramdam siyang igina-guide siya ng tatay niyang si FPJ.


“Actually, sumasanib siya sa akin, ha, ha, ha, ha,” tumatawang sagot ng aktres.


Dagdag pa, “Kapag may mga ganyang eksena hindi ko maiwasang maisip talaga siya (Da King) because this is the reason why I wanna do these things. Nasa dugo talaga kasi nga matagal ko nang gustong gumawa ng mga ganitong klaseng eksena and a part of me that I can feel that has something to do with him.”


Umamin din si Lovi na bago niya gawin ang action scenes ay nananalangin siya tulad ng ginagawa rin ng Daddy Ronnie niya at umaasam na sana, pagdating ng araw ay makamtan niya ang nagawa ng tatay niya pagdating sa mga stunts kahit kalahati lang kaya humihingi siya ng guidance parati.


Samantala, may next project na kaagad ang aktres at hindi pa lang siya puwedeng mag-share ng details tungkol dito at siniguro naman ng publicist ng Dreamscape Entertainment na si Erik John Salut na masa-shock daw ang lahat kung ano ito.


Hindi aalis ng bansa si Lovi kaya rito niya iseselebra ang Pasko at Bagong Taon at malaking kuwestiyon kung darating ang boyfriend niyang si Monty Blencowe na isang film producer sa Hollywood, USA.


Anyway, mapapanood na ang Flower of Evil sa free TV sa ganap na 9:30 PM sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page