top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

LOVI, JACKPOT SA SUPER DUPER TO THE MAX BILLIONAIRE NA FIANCE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 11, 2023
  • 4 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | August 11, 2023



Isa sa mga araw na ito ay ikakasal na si Lovi Poe sa kanyang fiancé na si Monty Blencowe, isang film producer na nakabase sa Los Angeles, USA.


Matatandaang isinapubliko na ni Lovi na matagal na silang engaged ni Monty at pamilya at piling mga kaibigan lang ang nakakaalam nito.


Kaya pala ang caption ng ipinost niyang video sa Instagram account niya nu’ng nakaraang araw na may makikitang isang lamesa at may dalawang tasang kape habang pinapanood ang pagsikat ng araw at singsing ay: “A couple of years ago, there were two coffees, one sunrise, and a ring (coffee, sunrise and ring emojis).”


Sa madaling salita ay itinago muna ng Kapamilya actress ang engagement nila ni Monty at tanda namin nu’ng tinanong namin siya sa solo mediacon niya bago ianunsiyong kasama siya sa seryeng FPJ’s Batang Quiapo kung nag-propose na ba ang boyfriend niya ay sobrang natawa siya at sagot niya, “Let’s see, malalaman n’yo naman ‘yun, hindi namin ipagdaramot.”

At kapansin-pansin din na laging suot ni Lovi ang engagement ring na hindi naman din namin naisip na ‘yun na nga kasi parang vintage ang istilo at iisiping ‘pamana’ ito sa kanya.


Anyway, matagal na palang naba-blind item ito nina Nanay Cristy Fermin at Romel Chika sa Cristy Ferminute na napapanood sa OnePH YouTube Channel at sa Radyo5 92.3 TRUE FM na may isang aktres na malapit na ring ikasal.


At kahapon sa nasabing programa ay pinangalanan na ni ‘Nay Cristy na si Lovi nga ito.


“Naalala mo, Romel at mga Kapatid, ‘yung mga blind items namin na ayaw naming sabihin ni Romel na isang kilalang aktres na malapit na ring lumagay sa tahimik sa kanyang karelasyon.


“Inaapura na niya ang kanyang trabaho sa isang malaking kuwento dahil aalis na siya at magpapakasal. Hindi po namin sinabi ‘yung ibang bansa, wala kaming sinabing banyaga ang kanyang pakakasalan.


“Basta, ‘yung female personality po ang aming sinentruhan. Ngayon po ay lumalabas na ‘yung aming blind item na ito po ay si Ms. Lovi Poe,” kuwento ng CFM host.


“Opo, ang nakakatuwa rito ay naitago nilang matagal na pala silang engaged, ‘di ba, ngayon lang nabulgar!” say naman ni Romel.


Naikuwento rin ni ‘Nay Cristy na napakasuwerte ni Lovi dahil super duper to the max na bilyonaryo ang future hubby niya.


Samantala, kaya pala nag-advanced taping si Lovi ng mga eksena niya sa Batang Quiapo dahil mawawala siya nang matagal dito. Ito ang tsika ng aming source na hindi naman binanggit na ikakasal na pala sa Europe ang aktres, kaya umalis muna ito ng bansa.


At ‘yung mga kaibigan ng dalaga ay nagsabing hintayin ang anunsiyo ni Lovi kung kailan ang kasal na mangyayari na pala sa isa sa mga araw na ito.


Nabanggit din ni ‘Nay Cristy na, “At alam mo ba (kay Romel), ang isa sa mga dadalo sa pagpapakasal sa Europa ni Lovi Poe, pero walang ibinibigay na anumang detalye dahil siyempre ‘no, kung ‘yung mga ikakasal nga, hindi nagbibigay ng detalye, siya pa kaya? Si Senadora Grace Poe, darating po siya sa kasal ng kanyang kapatid na si Lovi Poe, sa Europe po ‘yan. Nakakatuwa naman kasi close silang dalawa.”




May bagong film festival na sasalihan ang mga filmmakers na magsisimula sa taong 2024, ang CinePanalo Film Festival ng Puregold, Inc..


Ang nasabing filmfest ay bukas sa lahat ng mga amateur at professional directors, pati na rin sa mga estudyante na nangangarap maging filmmaker.


Ang tema na hinahanap para sa CPFF ay ‘Kuwentong Panalo ng Buhay’ bilang advocacy ng Puregold, Inc.. Ang production grant na ibibigay ng CinePanalo Film Festival para sa limang baguhan at propesyonal na direktor ay tig-P2,500,000 para sa Full-Length Film category at 25 estudyanteng filmmakers naman ang mabibigyan ng tig-P100,000 para sa kategoryang Short Film.


Maaari nang mag-submit ng mga entries ang mga nais lumahok sa thesecretariat@cinepanalo.com.


Kailangan lamang na ito’y original, wholesome, inspiring, at family-oriented films at pasok sa temang ‘Kuwentong Panalo ng Buhay’ mula October 27, 2023.


Isasapubliko ang shortlist ng mga napiling direktor sa November 6, 2023.


“Hangad namin na ang tulong-pinansiyal at ang exposure na makukuha nila mula rito ay magbibigay sa kanila ng pagkakataon para abutin pa ang kanilang mga pangarap,” sabi ni Vincent Co, presidente ng Puregold Price Club Inc..


Sabi naman ni Direk Chris Cahilig at tatayong festival director, “Gusto naming mag-iwan ng ligaya sa mga makakapasok na entries — pakiramdam na naibibigay lamang ng mahusay na mga pelikula. Nasasabik na kaming makita ang mga magagandang kuwentong ibabahagi ng mga lokal na direktor sa publiko.”


Ipapalabas ang mga nakumpletong pelikula sa isang festival na itatanghal ng tatlong araw sa Gateway Cinemas mula Marso 8-10, 2024. Ipo-post naman ang mga short films sa mga opisyal na pages ng Puregold sa social media, at sa Puregold Channel sa YouTube.


Itatampok ang mga ito kasama ng mga sikat na retailtainment serye ng Puregold, gaya ng GV Boys, Ang Babae sa Likod ng Face Mask, at Ang Lalaki sa Likod ng Profile.


Samantala, Puregold endorsers ang TVJ kaya natanong kung may posibilidad bang magbida sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon sa ilang entries na mapipili.


Sagot ni Chris, depende ito sa istorya at availability ng tatlong veteran hosts.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page