top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Lovi at Sheryl, wa' 'K'… SEN. GRACE, SOLONG TAGAPAGMANA NINA FPJ AT SUSAN

BULGAR
Jun 2, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | June 2, 2022



Maraming netizens ang interesadong malaman kung gaano kalaki ang mga ari-arian na minana ni Sen. Grace Poe mula sa kanyang yumaong mga magulang na sina Fernando Poe, Jr. at Susan Roces.


Unang yumao si FPJ at sa kanyang kabiyak na si Susan napunta ang kanyang mga properties na naipundar. Kaya nang si Susan naman ang yumao, expected nang sa kanilang unica hija ni FPJ na si Sen. Grace Poe maiiwan ang mga ari-arian na naipundar ng Movie Queen.


Ayon kay Sen. Grace, naisaayos naman ng kanyang Mama Susan ang lahat ng papeles, pati na ang kanyang Last Will and Testament.


Ang malaking rest house na ipinatayo ni Susan Roces sa Batangas ay kay Sen. Grace niya ipinamana. Hindi na nagbigay pa ng detalye si Sen. Grace Poe sa publiko tungkol sa mga properties na kanyang minana.


Samantala, fake news naman ang balitang naghahabol daw sina Lovi Poe at Sheryl Cruz sa kanilang mamanahin kay Susan Roces. At hindi rin totoo na sumugod pa si Sheryl sa bahay nina Sen. Grace upang habulin ang kanyang mana sa kanyang Tita Susan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page