Love triangle, iniimbestigahan... Kilalang personalidad, kinasuhan ng pagpatay sa working student

by BRT @News | November 3, 2026

Photo: FP / Charles Usi - FB File
Isang kilalang personalidad at lima pang indibidwal ang iniuugnay ng Philippine National Police (PNP) sa pagpatay sa 22-anyos na working student sa San Jose, Batangas noong Oktubre 25.
Kinumpirma ni PNP spokesperson Police Colonel Allen Rae Co na nahaharap sa kasong murder ang anim na sangkot sa krimen, ngunit hindi pa isinapubliko ang pagkakakilanlan ng naturang personalidad.
Kinilala ang biktima na si Charles Usi, isang working student at musikero na pinagbabaril habang pauwi mula sa trabaho alas-9 ng gabi sa Brgy. Banay-banay II.
Batay sa imbestigasyon, sinabayan ng mga suspek na sakay ng motorsiklo ang biktima bago ito pinagbabaril.
Isinugod siya sa ospital ngunit idineklarang patay.
Love triangle ang isa sa mga posibleng motibong sinisilip ng pulisya, bagama't nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa kaso.





Comments