Nagka-cutting classes, sinita... Titser, minartilyo ng 15-anyos na anak, itinago sa septic tank, nangamoy

by BRT @News | November 3, 2026

Photo: Circulated - Pew Macura Bonao
Nasawi ang isang 46-anyos na guro matapos umanong pukpukin ng martilyo sa ulo ng kanyang 15-anyos na anak sa Brgy. Looc, Panglao, Bohol, noong Oktubre 31.
Natagpuan ang bangkay ng biktima sa isang abandonadong septic tank matapos mapansin ng mga residente ang maraming langaw sa lugar.
Ayon sa pulisya, umamin ang binatilyo na apat na beses niyang hinampas ng martilyo ang ina matapos silang magtalo dahil sa kanyang pag-cutting classes at pag-absent.
Kinaladkad umano ng binatilyo ang bangkay papunta sa septic tank at tinabunan ng mga bato upang maitago.





Comments