Love life ng alaga, ‘di pinakikialaman… BEA, ‘DI RAW PINIGILAN NG MANAGER NA MAGPAKASAL KAY VINCENT SA MAY 16
- BULGAR

- May 15
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 15, 2026

Photo: IG Marian Rivera
Usap-usapan ngayon na hindi lang pala ang kondisyon ng prenup agreement ang dahilan kung bakit hindi na matutuloy ang kasal nina Bea Alonzo at Vincent Co, na unang napabalitang magaganap sa Spain sa May 16.
Ayon sa isang reliable source, may ilang tao raw sa paligid ng aktres ang hindi pabor na magpakasal ito dahil mawawalan na sila ng pagkakakitaan. Partikular na tinukoy ang manager ni Bea na si Shirley Kuan (SK), na wala ngayon sa Spain kundi balitang nasa USA.
Ganunpaman, nagbigay ng pahayag si SK upang itanggi ang akusasyon sa kanya. Sey niya, kahit siya ang tumatayong manager ni Bea, hindi siya nakikialam sa love life ng kanyang mga alagang artista.
Ibinigay niyang halimbawa si Donna Cruz na isa sa kanyang mga talents noon. Nasa height ng kanyang kasikatan si Donna nang magpakasal kay Yong Larrazabal. Hindi pinigilan ni SK si Donna nang magdesisyong magpakasal at talikuran ang kanyang showbiz career.
Kaya unfair daw para kay SK ang pagbintangan siyang tumutol at nag-influence kay Bea Alonzo upang hindi matuloy ang kasal nito kay Vincent Co sa Mayo 16.
‘Di raw pinalaking duwag ng madir…
BEA, KAYANG MABUHAY NANG WALANG LALAKI
Hindi man matuloy ang kasalang Bea Alonzo at Vincent Co ngayong Mayo, marami ang humahanga sa tibay ng loob at katatagan ni Bea na harapin kung anuman ang itinakda ng tadhana para sa kanya. Ilang beses na rin siyang nabigo sa pag-ibig ngunit patuloy siyang lumalaban at hindi nawawalan ng pag-asa.
Nananatili pa rin ang kanyang prinsipyo at hindi niya kailangang isakripisyo ang sarili para lamang mapagbigyan ang kanyang mga tagahanga. Pinatunayan ni Bea Alonzo na kaya niyang mabuhay kahit walang lalaki na masasandalan.
Nagsikap siya sa buhay upang maging financially stable, nag-ipon ng mga properties at nagtayo ng mga negosyo. Hindi niya kailangang dumepende sa yaman ng lalaking kanyang pakakasalan.
Kung hindi man si Vincent Co ang itinakda para sa kanya, tanggap na ni Bea at magpapatuloy ang ikot ng buhay. Ayaw niyang may pagsisihan kung sakali.
Laging tinatandaan ni Bea ang payo ng kanyang ina na siya ay hindi pinalaking duwag. Kailangan niyang harapin ang mga pagsubok na darating. Kailangan niyang mahalin ang kanyang sarili.
At this point in her life, hindi kawalan kay Bea Alonzo ang isang lalaki. Darating iyon kapag itinakda ng panahon.
SA katatapos na mga eksena sa Senado kung saan nagkaroon ng kani-kanyang opinyon ang mga senador, marami ang humanga kay Sen. Lito Lapid na bumoto ayon sa kanyang kunsensiya.
Kung dati ay pinagtatawanan, kinukutya at minamaliit ng maraming matatalinong senador si Sen. Lito Lapid, ngayon ay pinupuri na siya sa kanyang matibay na paninindigan.
Hindi siya nagpakitang-gilas at nanatiling tahimik, ngunit pinatunayan niya ang kanyang loyalty at hindi paghahangad ng mataas na posisyon.
Maging ang ilang kritiko ay humanga kay Sen. Lito Lapid. Maka-luma man siyang pulitiko, para sa kanya ay mahalaga pa rin ang magampanan ang tungkulin bilang senador at makapagbigay ng serbisyong totoo sa kapwa Pilipino.
Wala sa agenda ni Sen. Lito Lapid ang makiuso sa takbo ng pulitika ngayon. Muli siyang pinagkatiwalaan ng mga botanteng Pilipino at ibinalik siya sa Senado.





Comments