top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

LOVE, KINUHA NG BOSSING NG NET25 DAHIL SA LIMITED NA PAG-IINGLES

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 11, 2023
2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | February 11, 2023



Ibabahagi ng NET25 ang pagmamahal sa inyong mga tahanan sa pamamagitan ng pinakabagong talk show nito, ang Love and Everythaaang! na pangungunahan ng dating Kapuso at award-winning personality na si Love Añover.


Kilala si Love sa kanyang pagiging masayahin, matalino at kakayahang makihalubilo sa mga manonood. Ang mga katangiang ito ang magbibigay-buhay sa Love and Everythaaang! na ang tanging hangarin ay ang magbigay-inspirasyon sa mga tao.


Excited din si Love dahil ito ang kanyang first radio-TV show. Labis ang kanyang pasasalamat sa NET25 management dahil sa regalong ito na ibinigay sa kanya lalo na’t ise-celebrate niya ang kanyang kaarawan ngayong Pebrero.

“Thankful ako sa NET25, na kabilang ang PANGARAP ko na ito sa kanilang regalo sa akin.


Ipinapangako ko naman na gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para magawa ang responsibilidad na ito nang maayos at makabuluhan,” pagmamalaki ni Love.


Nagpahayag din siya ng pasasalamat sa lahat ng kanyang kaibigan na walang tigil na naniniwala sa kanya. Inamin din niya na nahasa ang kanyang kakayahan at talento dahil sa suporta ng production team at ng kanyang mga mentor, isa na rito ang award-winning na mamamahayag na si Ms. Cheche Lazaro.


Tampok sa Love and Everythaaang! ang iba’t ibang panauhin, mula sa mga aktor at musikero, hanggang sa mga content creators at negosyante. Nangangako ang programa na magbibigay ito ng bagong pananaw sa mundo.

Samantala, masayang tinatanggap ni NET25 President Caesar R. Vallejos si Love bilang bahagi ng lumalaking pamilya ng network. Inamin din niya na isa siya sa mga tagahanga nito.


Aniya, “Personally, I am also a fan of hers because of her reports with the Probe Team. It was her line 'My English is limited edition' na hindi ko makakalimutan.”

Dagdag pa ni Vallejos, “We also have an aligned vision with her brand — to continue giving laughter and hope to Filipinos not only here in the Philippines but in different parts of the world.”

Sabay na mapapanood sa NET25 at mapapakinggan sa Radyo Agila ang Love and Everythaaang simula sa Pebrero 13, 2023, Lunes, sa ganap na 11 AM.

Mapapanood ang NET25 sa mga sumusunod na channels: Channel 28 (digital free TV), 25 (Analog free TV), 18 (Skycable), 17 (Cablelink), 14 (Cignal), 18 (destiny), 25 (Satellite), at 38 (G-Sat).


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page