LOUISE, DEDMA SA PUNA NA 'DI NAMAN TALAGA MAGANDA ANG MOVIE NILA NI NADINE
ni Nitz Miralles @Bida | January 13, 2023

“Kebs” o "keber" ang sagot ni Louise delos Reyes sa tanong kung ano ang reaction niya sa mga nagsasabing hindi naman talaga maganda ang pelikula nilang Deleter at iba pang kanegahang comments.
“Kebs! Basta kami, proud lang kami sa movie namin at sa ginawa naming lahat. Hindi ko pinapansin ang nega comments at hindi ko rin sasagutin. Sobra lang akong nagulat sa result, overwhelmed,” sagot ni Louise.
Nasa Bali, Indonesia si Louise with her boyfriend sa pagsisimula ng 2022 Metro Manila Film Festival, kaya laking-gulat niya nang malamang lumalaban ito sa box-office.
Sa first few days, number two ito, hanggang sa nag-number one na nga.
'Kaaliw ang reaction ni Louise nang mapag-usapan na baka magkaroon ng sequel ang Deleter with the same cast.
“Paano ako?” agad ang sabi nito dahil malamang, hindi na makasama ang kanyang karakter dahil multo yata (hindi pa namin napapanood ang movie) ang kanyang role sa nasabing pelikula. Paano nga, Director Mikhail Red?
Ang elevator scene niya sa Deleter ang pinakamahirap at nakakatakot na eksena ni Louise sa movie. Sa building na walang tenants sila nag-shooting, madilim, walang ilaw at cameraman lang ang kasama niya sa loob ng elevator.
Nagkamali pa siya ng pindot ng floor at nang bumukas, pitch dark na kanyang kinatatakutan ang bumulaga sa kanya.
Ready for more work this 2023 si Louise, na-motivate sa success ng Deleter at gaya ni Nadine Lustre, magandang welcome sa 2023 niya ang Viva Films movie.





Comments