LOTLOT, NAPAGALITAN NI DIREK CHITO, AYAW NANG MAG-ARTISTA
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | January 7, 2024

Kasabay ng media launch ni Geraldine ay nagkaroon din ng mediacon for Isla Babuyan na dinaluhan din ng ilang cast kabilang na si Lotlot de Leon.
Naikwento ng aktres na noong baguhan siya ay napagalitan daw siya ng veteran actress na si Nida Blanca (RIP) noong nabubuhay pa ito dahil sa pagiging late.
“I remember, noong nagsisimula ako, sobrang lagare ako nu’n, as in sobra and we were doing Prinsesang Gusgusin. Napagalitan ako ni Tita Nida, may she rest in peace, Nida Blanca,” kuwento niya.
Sinabihan daw siya ng yumaong aktres na dapat ay professional siya sa oras. Pero that time naman daw kasi ay sunod lang siya nang sunod kung ano ang sabihin sa kanya ng mga namamahala ng kanyang career.
Naging wake-up call daw sa kanya ‘yun at naging mas mindful na siya sa kanyang schedule.
Hindi raw komo anak siya ng Superstar na si Nora Aunor at ni Christopher de Leon ay may special treatment na siya. Hindi raw ganu’n.
“Napapagalitan din po ako ng direktor, nasasabihan ako ‘pag nagkakamali ako,” she said.
Napagalitan din daw siya ni Direk Chito Roño at iyak siya nang iyak na feeling niya ay ayaw na raw niyang mag-artista.
Pero alam naman daw niya na ang mga pangaral at paninita sa kanya ay para rin sa ikabubuti niya at binaon niya ang mga advice na ito habang lumalaki at nagma-mature siya bilang aktres.





Comments