LOTLOT AT JANICE, TIE NA BEST SUPPORTING ACTRESS
- BULGAR
- Jul 18, 2023
- 1 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | July 18, 2023

Speaking of 38th PMPC Star Awards for Movies, nagkaroon ng tie sa dalawang female acting categories, ang Best Actress at Best Supporting Actress.
Winners sina Charo Santos (Kung Maupay Man It Panahon) at Sunshine Dizon (Versus) sa Best Actress. Habang sina Lotlot de Leon (On The Job2: The Missing 8) at Janice de Belen (Big Night!) sa Best Supporting Actress.
After matanggap ni Lotlot ang kanyang Best Supporting Actress Award ay saglit namin siyang nakatsikahan katabi ang kanyang mister na si Fadi El Soury. At doon ay binati namin siya bilang ‘grand slam’ Best Supporting Actress.
Si Lotlot na nga ang bagong “Grand Slam Queen”. Biro pa namin kay Lotlot, ka-level na siya ng mga nagreyna at tinaguriang “Grand Slam Queens”.
Saglit din naming nakatsikahan si Atty. Ferdie Topacio, ang legal counsel ni Claudine Barretto, habang papalabas ng Centennial Hall ng The Manila Hotel nu'ng Linggo nang gabi.
And we mentioned to him na nagsalita na si Sabrina M. na hindi siya mag-a-apologize kahit kanino.
“Well, let’s see. We still have two days para maghintay,” sagot ni Atty. Topacio.
So, extended ang palugit kay Sabrina?
'Yung unang interview kasi ni Atty. Topacio, 3 days lang ang sinabi niyang palugit ng pagpa-public apology ni Sabrina na dapat ay magtatapos na nu'ng Linggo.




Comments