Look-alike ni George Clooney… KC, INILANTAD NA SA SOCMED ANG BF NU'NG V-DAY
ni Julie Bonifacio @Winner | February 16, 2023

Ini-reveal na rin finally ni KC Concepcion ang kanyang bagong boyfriend.
Buong-tamis na ipinakita na rin sa wakas ni KC ang hitsura ng kanyang “Valentino” sa video na ipinost niya sa kanyang Instagram last Valentine’s Day.
Sa simula ng video ay ipinakilala agad ni KC ang kanyang boyfriend ngayon with a picture ng telang puti na may nakaburdang “Tè amo” at red heart.
Pagkatapos ay nakatuon ang kamera sa dalawang pares ng mga paa suot ang tila identical brown leather shoes habang namamasyal sa Milan, Italy.
And after a while, lumitaw na si KC na nakaakbay ang isang kamay sa katabi niyang European guy.
Ang “Tè amo” ay Spanish words na ang ibig sabibin ay “I love you.” At parang sinasabi ni KC sa title na, "Heto na ang aking 'my love.'”
Nagduda rin tuloy kami na baka Spanish ang nationality ng inaabangan ng madlang pipol na boyfriend ni KC.
Caption ni KC sa IG video post niya, “Happy Valentines beautiful people.”
Kilig overload siyempre pa ang mga followers and fans ni KC sa Instagram.
“This is it, pancit! So happy for you. Praying for love and light."
“Pinakilig naman tayo lahat ni KC. Enjoy KC."
“May pa-reveal si Ma'm. Sana all."
“Love the teasing thirst trap in the beginning but then you delivered at the very end!”
“Be happy Dear Girl! You deserve everything.”
Say ng netizen, may pagka-George Clooney ang dating ng bagong boyfriend ni KC.
“So handsome. Happy for your own George Clooney. Enjoy you guys. You both deserve to be HAPPY”
“Parang ito na ang last, siya na talaga para kay KC."
“Hoping siya na talaga para sa 'yo. 'Coz you deserve love. Happy Valentines.”
Ang kasunod na tanong sa pa-big reveal ni KC ay kung sino ‘yung guy. Say ng isang netizen, Filipino-Swiss daw na ang pangalan ay Steve Michael Wuethrich.
“Who is the lucky guy?”
“Siya pala 'yung parati naming nakikita sa mirror reflection ng mga vids mo lods, Finally! Finally!
Happy for u both."
“Oh, eto 'yung Swiss guy she met at Chloie's wedding. He's cute, huh. I hope he's THE ONE na Kace. Happy Valentines both!!”
“Filipino-Swiss guy Steve Michael Wuethrich. But not sure if they are a couple.”
Pero ‘di pa man talaga sinasabi ni KC na si Steve na ang kanyang boyfriend ngayon, dinagsa na agad ng pagbati si KC.
“Congratulations on your new Love. I hope he is the one for you and you are the (one) for him forever."
“Been waiting for this….I'm soo happy for you."
True!





Comments