Loman, impresibo, pinasuko si Fernandes sa ONE Prime 4
- BULGAR
- Nov 20, 2022
- 2 min read
ni MC - @Sports | November 20, 2022

Naging malakas sa bantamweight title shot si Stephen Loman nang dominahin ang dating kampeon na Brazilian na si Bibiano Fernandes sa main card ng ONE on Prime Video 4: Abbasov vs. Lee noong Biyernes ng gabi.
Impresibo si "The Sniper" nang talunin ang highly-decorated grappler sa sarili niyang estilo, pinahina si Fernandes sa ilang sunod na pressure para sa unanimous decision win sa kanilang 153-pound catchweight bout. Sa panalo, pumosisyon si Loman sa posibleng laban kontra sa magwawagi sa title rematch sa pagitan nina Jon Lineker at Fabriacio Andrade. "The game plan went well," ayon sa Team Lakay stalwart matapos ang panalo. "I was confident with my striking and wrestling. He's a former champion is a legend in the sport and he's tough."

Sa opening bell pa lamang, pinulbos na agad ni Loman si Fernandes ng mga sipa, na hindi natitinag laban sa maaring takedown attempts ng BJJ specialist. Ginulat din niya ang Brazilian nang umiskor ng takedown at ground and pound assault.
Humina si Fernandes pagpasok sa third round na habol pa rin ang paghinga, kaya ito na ang tsansa ni Loman na tapusin siya. Muling pinabagsak ng Pinoy si Fernandes sa ground sa huling bahagi ng laban. "Our hard work paid off," ani Loman, na nakakolekta na ng panalo kontra Fernandes, Yusup Saadulaev at Shoko Sato. Ito ang kanyangika-11 straight win niya sa 17 MMA career victory.
Samantala, sumuko naman ang teammate niyang si Kevin Belingon at natalo ito sa kanyang pagbabalik sa cage laban kay Kim Jae Woong.
Nasukol ang dating ONE bantamweight champion sa malulupit na right straight-left hook combo habang ubos ang lakas nito hanggang bumagsak ang Pinoy sa mat.








Comments