Loman at Belingon, todo handa Vs. Bibiano at Jae
- BULGAR
- Nov 17, 2022
- 2 min read
ni VA / MC - @Sports | November 17, 2022

Triple ang paghahanda nina fifth-ranked bantamweight contender Stephen Loman at dating bantam champion Kevin Belingon para sa kani-kanilang mga kalaban.
Sasagupain ni Loman si Bibiano “The Flash” Fernandes, habang sasalubungin ni Belingon si “The Fighting God” Kim Jae Woong sa bantamweight division sa dalawang kapana-panabik na salpukan sa ONE Fight Night 4: Abbasov vs. Lee sa Sabado ng umaga sa Singapore Indoor Stadium.
Dahil ilang beses na nakalaban ni Belingon si Fernandes, kaya ginagabayan nito ang kanyang nakababatang kasamahan sa pinakamalaking laban sa kanyang karera. “For sure I’ve shared a lot of things with Stephen, things that I’ve experienced with Bibiano. I’ve given him some tips entering this match,” ani Belingon, na apat na beses na lumaban kay Fernandes.

“I think he has really prepared well and he’s at an advantage against Bibiano. Naging smooth ang training niya, solid ang preparation niya, so I expect great things.”
Nang tanungin kung ano ang natutunan niya sa kanyang teammate, pabiro ang sagot ni Loman. “Sinabi niya sa akin na kaya kong talunin si Bibiano dahil matanda na siya,” natatawang sabi niya.
Samantala, muling magiging host ang Pilipinas sa isa sa mga preliminary event ng Volleyball Nations League men’s tournament sa 2023.
Inihayag ng liga noong Biyernes na ang Pasay City ang magiging venue para sa ilan sa mga laro sa Hulyo 4-9. Makakalaban ng Pilipinas sa Philippine leg ng torneo ang Japan, China, Slovenia, Brazil, Poland, Italy, Netherlands, at Canada. Noong nakaraang Hunyo ang Araneta Coliseum sa Quezon City ay nag-host ng mga laro para sa parehong men’s at women’s tournament sa Philippine leg ng VNL.
Bukod sa Pasay City, ang iba pang host city para sa men’s tournament ay ang Ottawa, Canada; Nagoya, Japan; Rotterdam, Netherlands; Orleans, France; at Anaheim sa California, USA.








Comments