top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

LOLIT: LANI, MASUWERTE DAHIL MAHAL NA MAHAL NI BONG ANG HIYAS NIYA

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 4, 2023
2 min read

ni Nitz Miralles @Bida | April 4, 2023




Natuloy na kahapon ang get-together ng entertainment press kasama sina Sen. Bong Revilla, Jr. at Congw. Lani Mercado na twice nakansela at 'yung second time nga na hindi ito natuloy ay dahil sa gall bladder operation ng senador na naging successful naman kasi dumaan daw siya sa laparoscopy kaya napabilis ang paggaling niya.


Natawa ang mga reporters sa pagiging clueless ni Congw. Lani sa sinabi ng talent manager na si Lolit Solis na masuwerte ang gem niya dahil mahal na mahal siya ni Sen. Bong.


“Ano ang gem?” tanong ni Lani na nang tagalugin na “hiyas” ang ibig sabihin, napangiti na lang ito.


In fairness, hindi kinontra ni Lani na masuwerte ang gem niya. Hahaha!


Anyway, kase-celebrate lang nina Lani at Bong ng kanilang 25th church wedding anniversary noong March 25, 2023, although 36 yrs. na mula nang una silang magpakasal sa Glendale, California nu'ng March 28, 1987 at going strong pa rin ang kanilang pagsasama.


Kuwento ni Lani, nagulat siya sa sorpresa ni Bong sa anniversary nila.


“Simple lang, nasa farm kami noon, nakalimutan ko ngang anniversary namin dahil ang dami naming ginagawa. March 24 ‘yun at sabi ni Bong, walang uuwi. ‘Yun pala, doon namin sasalubungin ang anniversary namin. Mabuti rin na kumpleto kami. Sa aming dalawa, ako ang mahilig mangsorpresa. That time, ako ang sinorpresa niya," kuwento pa ni Lani.



Sa tanong namin kung how is it being married to Bong, ngumiti muna si Lani bago sumagot.


“Being married to Bong is a big responsibility at hindi madali ang relationship namin, para kaming nasa fish bowl. Idagdag pa na pareho kaming public servant. Big responsibility din na kailangang alagaan ang sarili dahil pogi ang asawa ko.”


Sa 36 years na pagsasama nila, may mga pagbabago ba?


“Mas na-value namin ang isa’t isa at hindi kami bumitaw sa mga pinagdaanan namin.”

Sabi ni Lani, nagseselos pa rin siya, pero hindi na gaya ng dati.


“Hindi na OA ang level ‘pag nagselos ako,” ayon pa kay Lani.


Kay Lani rin namin nalaman na hindi lang pala isa ang partner ni Bong sa bagong show niya sa GMA-7 dahil sabi nga ng aktres, “leading ladies”.


TV adaptation ito ng movie ni Bong na Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis.


Hindi pa lang alam ni Lani kung sino ang mga leading ladies ni Bong sa action-comedy-romance series niya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page