top of page

Lola at 5 apo, patay sa sunog

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 25, 2023
  • 1 min read

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 25, 2023





Patay ang anim na miyembro ng isang pamilya sa sunog sa isang bahay sa Barangay Masalukot 1, Candelaria, Quezon kaninang madaling-araw.


Kasama sa mga nasawi ang senior citizen na si Delia Cruz at ang kanyang limang apo na may mga gulang na 21, 18, 16, 10, at 9, base sa ulat ng BFP Candelaria.


Nagtamo naman ng mga sugat ang nanay ng mga bata na kinilalang si Vangie.


Patuloy na nag-iimbestiga ang BFP Candelaria ukol sa sunog.

Commenti


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page