top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Lokohan lang ang mga survey!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 3, 2021
2 min read

Updated: Jan 8, 2021

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | January 3, 2021



NA-SURVEY NA BA KAYO TUNGKOL SA MGA KANDIDATO?—Nag-umpisa na ang Pulse Asia na maglabas ng mga survey na may kaugnayan sa mga pulitikong posibleng manalo sa 2022 elections, pero sa social media, marami ang nagsabi na hindi raw sila naniniwala sa survey dahil mind conditioning lang daw ito para paboran ang ilang politicians.


Mga kababayan, tanungin n’yo nga ang inyong sarili, ang mga kamag-anak, kaibigan at kakilala n’yo kung na-survey na kayo ng Pulse Asia at SWS na may kaugnayan sa pulitika kasi kung sa tanang buhay n’yo hindi pa, aba, isa lang ibig sabihin niyan, lokohan ang mga survey na ‘yan, period!


◘◘◘


MARAMI ANG NAPATAAS ANG KILAY SA LAKI NG LAMANG NI MAYOR SARA SA MGA MAKAKATUNGGALI NIYA SA PRESIDENTIAL ELECTION—Marami ang napataas ang kilay sa isinalabas na survey ng Pulse Asia sa sobrang laki ng inilamang ni Presidential daughter, Mayor Sara Duterte-Carpio sa mga posibleng makalaban niya sa 2022 presidential election.


Banat ng mga netizens, nagmistulang campaign manager daw ni Mayor Sara ang Pulse Asia sa inilabas nitong survey na pabor sa anak ni P-Duterte, boom!


◘◘◘


KAPAG PINATANGGALAN NI DUQUE NG LISENSIYA ANG MGA DOKTOR NA NAGBAKUNA NG ILLEGAL BAKA SIBAKIN SIYA NI P-DUTERTE—Nais daw ni Health Sec. Francisco Duque III na patanggalan ng lisensiya sa pagka-doktor ang mga illegal na nagbakuna ng smuggled vaccines sa mga opisyal ng pamahalaan at mga sundalo ng PSG (Presidential Security Group) at PA (Philippine Army).


Naku, kapag ginawa ni Sec. Duque ‘yan ay baka diyan na siya sibakin ni P-Duterte kasi may bali-balita na aprubado raw ng presidente ang pagbabakuna sa mga gov’t. officials, at mga sundalo, tapos kokontrahin niya (Duque), period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page