top of page

LOISA AT RONNIE, SA OSAKA, JAPAN MAGSASAMA SA PASKO AT NEW YEAR

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 20, 2023
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | December 19, 2023



Tapos nang mag-taping ang on-and-off love team na sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte sa Kapamilya drama series na Pira Pirasong Paraiso. Kaya nami-miss na ni Loisa ang mga kasama niya sa show.


Thankful si Loisa at nakasama niya sa double event celebration ng kilalang beauty and skin clinic owner na si Cathy Valencia ang co-star niya sa Pira-Pirasong Paraiso na si Elisse Joson.


Pareho kasing endorsers ng Cathy Valencia Advanced Skin Clinic sina Loisa at Elisse.


Kasamang um-attend ni Loisa sa 18th anniversary ng CV Advanced Skin Clinic si Ronnie na ginanap sa Marriot Hotel sa Pasay City. Kasabay ng anniversary ng clinic ang birthday celebration din ni Cathy Valencia.


Naka-isang taon na sina Loisa at Ronnie bilang endorsers ng CV Advanced Skin Clinic. At the same time, pa-expire na rin ang kanilang kontrata.


Katatapos lang din ng 7th anniversary nina Loisa at Ronnie last month. Isasabay nila ang celebration nito sa kanilang Christmas vacation.


Nakatakdang magbakasyon ang magdyowa sa Osaka, Japan this December. This is the second time na pupunta sila roon.


Sa Tokyo ang unang trip sa Japan nina Loisa at Ronnie. This year, sa Osaka, Japan naman ang biyahe nila.


Aalis sila ng December 24 sa bansa at sa January 2 na ang kanilang balik. So, sa Osaka, Japan na rin sila magse-celebrate ng New Year.


Member ng Iglesia ni Cristo ang pamilya ni Loisa kaya ‘di sila magse-celebrate ng Pasko. Habang si Ronnie naman ay lagi naman daw niyang kasama ang kanyang family ‘pag Pasko at ngayon lang mawawala sa Christmas celebration nila.


On their seventh anniversary, wish ng mga fans nila na manatiling strong ang relasyon nina Loisa at Ronnie lalo pa’t usung-uso ang hiwalayan among celebrity couples.


Say ni Ronnie, “Grabe ‘no, supporters (namin). Hindi namin ine-expect kasi ‘yung fan base namin ni Loisa na parang inabot nila kung paano kami nag-start hanggang ngayon. Pero nand’yan pa rin ‘yung nakikita namin sa Twitter na kinikilig sila sa amin hanggang ngayon.”


Natutuwa rin si Loisa sa fans nila ni Ronnie.


“Nakakatuwa lang dahil ‘yung mga sumusuporta sa atin, busy din sila sa personal life nila. (May) Nag-aaral, nagtatrabaho, pero may time sila para suportahan tayo, kaya nakakataba ng puso,” saad ni Ronnie.


“Kapag nakikita nga namin ang mga faney namin, mga sumusuporta at nagmamahal sa amin, binibigyan namin,” naputol na sabi ni Ronnie.


Natawa naman kami nu’ng sitahin ni Loisa si Ronnie.


“Baklang-bakla ka d’yan,” biro ni Loisa kay Ronnie.


Bigla namang natawa si Ronnie sa biro sa kanya ni Loisa.


Sigaw ni Ronnie, “Nakalimutan ko tuloy ang sasabihin ko!”


Lumaki na raw ang LoiNie fans.


“Ang lalaki na nila. ‘Yung iba, may mga anak na ‘yung mga fans namin dati. Kasi nga, seven years na kami,” say ni Loisa.


Tinanong namin si Ronnie kung hindi ba siya nagagalit kapag binibiro siya ni Loisa ng bakla.


Sagot ni Ronnie, “Hindi… hindi naman kasi totoo. Pero hindi ako against sa mga bading. Love ko ang mga LGBTQ (members). Kaya kong manamit ng pambabae. Kaya kong bumali (ng pagka-lalaki). Hindi po ako against sa LGBTQ. Love ko po sila.”


Keri kaya ni Ronnie na gumanap ng gay role sa pelikula?


“Ay, hindi naman po. Love ko sila pero hindi ko po kaya. Nahirapan po ako.”


What about a BL series?


“Ay, ayoko po,” diin pa ni Ronnie.

 

 

 

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page