Lodi daw si Marian… HERLENE, GUSTONG MAKAPAG-ASAWA NG MALA-DINGDONG
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 26, 2022

Viral ang pagsusuot ng Darna costume ni Herlene Budol nang mag-celebrate ng kaarawan niya kamakailan.
Sa in-upload niyang video, sinabi niyang dream niya na maging Darna tulad ni Marian Rivera.
Natupad naman ang kanyang pangarap. Nag-perform siya sa harap ng kanyang mga bisita bilang si Narda at saka nag-transform na Darna na nakikipaglaban kay Valentina.
Ayon sa 1st Runner-Up ng Bb. Pilipinas 2022, dream talaga niyang sundan ang footsteps ni Marian as an actress.
“Pangarap ko kasing maging Darna dati kasi pangarap kong maging si Marian Rivera kahit hindi naman kami hawig. Sa panaginip lang. So, sabi ko kay Sir Wilbert, 'Mima, gusto kong sundan 'yung yapak ni Marian Rivera bilang GMA artist naman ako, bilang GMA Sparkle family na po ako. Gusto ko pong sundan si Marian Rivera, tapos makapangasawa rin ako ng mala-Dingdong (Dantes).'”
Naaliw ang mga guests ni Hipon Girl sa kanyang performance.
Malayo na nga ang narating ni Herlene bilang celebrity. Dati ay sinasabi niyang 'Squammy Girl' kapag tinatanong siya ng kanyang mentor na si Willie Revillame. Ngayon, ano na kaya ang isasagot ni Hipon kapag tinanong siya ni Kuya Wil?
Tanong naman ng isang netizen, isama pa raw kaya ng TV host si Hipon Girl kapag nag-resume na ang kanyang programa sa TV station ni dating Senador Manny Villar?
Well, malalaman na lang po 'yan kapag nag-anunsiyo na si Kuya Wil na babalik na sa ere ang Wowowin.





Comments