Lockdown, hudyat ng simula ng kampanyahan para sa 2022 elections!
ni Ka Ambo - @Bistado | May 28, 2021
Kumpirmado na ang susunod na laban ni Sen. Manny Pacquiao kontra kay Errol Spence.
Bilyong piso ang makokobra ng senador!
◘◘◘
NAG-AABANG ang mga kalaban niya sa pulitika ng pagkakamali at butas upang masira ang kanyang reputasyon sa publiko.
Walang problema si Pacquiao sa “name recall”.
At lalong wala siyang poblema sa “badyet”!
◘◘◘
HINDI kailangan ni Pacquiao na tumanggap ng donasyon o gumamit ng pondo ng gobyerno.
Halos libre rin ang publisidad na kanyang matatanggap dahil may nakatakda siyang
unifying boxing championship!
◘◘◘
KAHIT ang kanyang pahayag kaugnay sa isyu sa West Philippine Sea ay inilihis ng mga kritiko.
Iniintriga siyang kinakalaban si P-Digong kung saan inilihis ang konteksto ng kanyang opinyon!
◘◘◘
NANINIWALA siya sa orihinal na paninindigan ni P-Digong na depensahan ang soberaniya ng bansa kontra sa China.
At nais niyang bigyan-diin na mas pinapaboran niya ang matibay na disposisyon ni P-Duterte!
◘◘◘
TALIWAS sa ulat, kinakatigan ni Pacquiao ang posisyon ni P-Digong na ibubuwis nito ang buhay sa pagtatanggol sa soberaniya ng bansa.
Hindi ‘yan pagkontra sa posisyon ni P-Digong bagkus ay pag-sang-ayon!
◘◘◘
MALINAW ngayong marami nang nababahala sa ulat na kakandidato si Pacquiao kaya’t nagsisimula nang wasakin ang kanyang reputasyon.
Dapat maiayos ang sigalot sa PDP-Laban na siyang partidong ginamit ni P-Digong nang maupo sa Malacañang!
◘◘◘
SA pinakahuling ulat, sinasabing nagdeklara na rin ng pagkandidato si Mayor Sara bilang pangulo kung saan magsisilbing kandidatong bise-president ang kanyang ama.
Wala pang opisyal na pahayag ang Malacañang!
◘◘◘
SA kabilang panig, pinaniniwalaang idedeklara ng 1Sambayanan coalition ang kanilang mamanukin sa 2022.
May ulat na si Mayor Isko ang kanilang idedeklara sa gitna ng ulat na suportado ito ng mga dambuhalang negosyante at oposisyon!
◘◘◘
SA pagbaba ng bilang ng nagkakasakit sa COVID, tiyak na eeksena na ang mga pulitiko.
At ang pagpapaluwag sa lockdown ay hudyat naman ng simula ng kampanyahan para sa 2022 elections!





Comments