Lockdown at pagbibilang ng COVID-19 cases lang ang ginagawa ng mga namumuno sa ‘Pinas, tsk!
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | April 06, 2021
SA ‘PINAS NA NGA LANG MAY VACCINE CZAR, SABLAY PA—Nag-search tayo sa social media para malaman kung may mga itinalagang vaccine czar ang bawat gobyerno ng iba’t ibang bansa, pero wala tayong makita. Ibig sabihin, tanging ang Pilipinas lang may ini-appoint na vaccine czar sa katauhan ni ret. Gen. Carlito Galvez, Jr.
Hay naku, ibinida-bida pa naman ni P-Duterte na may itinalaga siyang vaccine czar, ‘yun pala, ang itinalaga niya ay sablay! Umaasa lang sa donasyong bakuna, at kung may mabili man ay pautay-utay, kaya’t ang resulta, sa higit 70 milyong Pinoy na target mabakunahan ng pamahalaan, wala pang isang milyon ang nababakunahan, boom!
◘◘◘
ONLI IN DA ‘PINAS LANG MAUUSO NA ILA-LOCKDOWN ANG TAO NANG WALANG AYUDA—Ang P1K financial assistance na bigay ng national gov’t. sa bawat miyembro ng pamilya ay ayuda sa mga residenteng naapektuhan ng isang linggong lockdown (March 29-April 4) sa NCR Plus dahil hindi pa rin humuhupa pananalasa ng COVID-19 ay in-extend pa ng isang linggo ang lockdown, na mula April 5 hanggang April 11, pero ang masaklap, sa panibagong lockdown ay sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na walang ibibigay na assistance (ayuda) ang pamahalaan.
Kapag pinanindigan ‘yan ng Duterte gov’t., onli in da ‘Pinas lang na ang mga inila-lockdown ay hindi bibigyan ng ayuda, buwisit!
◘◘◘
KAPAG WALANG SOLUSYON, BAKA MANGYARI NA NORMAL NA SA IBANG BANSA, PERO SA PILIPINAS AY NAG-A-UPDATE PA RIN NG MGA TINAMATAAN NG VIRUS AT NAGLA-LOCKDOWN PA—Maliban sa pagbibilang ng mga nagkaka-virus sa bansa at pagla-lockdown sa ilang lugar, wala pang announcement ang Duterte gov’t. kung ano ang mga gagawin o ginagawa ng pamahalaan para makontrol ang pananalasa ng virus sa Pilipinas.
Aba, kung pag-a-update sa COVID-19 cases at pagla-lockdown lang ang tugon ng Duterte gov’t. sa COVID-19 pandemic, baka normal na ang sitwasyon sa ibang bansa, pero sa Pilipinas ay hindi pa, susmaryosep!





Comments