top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Liza, una nang nag-solo… ENRIQUE, KAPUSO NA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 19, 2023
  • 1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | April 19, 2023





Si Ranvel Rufino na pala ang manager ni Enrique Gil at may pa-teaser na ito para sa comeback ng aktor.


Hirit ni Ranvel, "Super SOON guys. Expect the announcement THIS WEEK."


Kahit ito pa lang ang ibinahagi ng manager ay talagang agad na natuwa at na-excite ang mga fans ng aktor.


Sa mga photos na nakita namin, makikita ang dalawa habang may pinipirmahan si Enrique na sa tingin ng mga netizens ay kontrata mula sa GMA Network.


Lalo pang lumakas ang paniniwala na pumirma ng kontrata si Enrique sa Kapuso Network dahil sa isa pang larawang lumabas na kasama naman ni Ranvel si Atty. Annette Gozon-Valdes.


Matatandaang last year pa nabalitang lilipat sa GMA-7 si Enrique, hindi lang natuloy dahil may mga demands daw ito na hindi maibigay sa kanya ng network. Ang tsika pa nga, makakasama niya si Marian Rivera sa gagawin nitong series.


Kung tama nga na nakapirma na ng kontrata sa GMA-7 si Enrique, tiyak na magkakaroon na ng formal announcement para maging official na ang pag-welcome sa kanya sa Kapuso Network.


Ito ay solo comeback ni Enrique dahil wala na nga ang love team nila ni Liza Soberano na nauna nang mag-solo.


And as expected, may mga Kapamilya fans na hindi masaya sa balitang magiging Kapuso na si Enrique.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page