LIZA, UMAMING 'DI NAGING MASAYA SA BUHAY-SHOWBIZ
- BULGAR
- Feb 28, 2023
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | February 28, 2023

Sa mga pinaggagawa ni Liza Soberano lately, it’s clear that she wanted to make a fresh start.
Hindi lang namin alam kung gusto niya na ring kalimutan ang kanyang screen name dahil sabi nga niya sa kanyang latest vlog, it was a name na hindi siya ang pumili kundi “It was chosen for me.”
Obvious din sa mga sinabi ni Liza sa kanyang vlog na hindi siya masaya sa naging buhay niya sa loob ng mahigit 10 years na journey ng career niya sa ABS-CBN dahil siya na nga mismo ang nagsabi na isinakripisyo niya ang sariling kaligayahan.
Thankful siya, yes, pero hindi niya gusto ‘yung wala siyang sariling ‘say’ sa kanyang buhay. Na ultimo nga raw mga damit na isusuot niya ay hindi siya ang nagdedesisyon.
At mukhang hindi rin siya naging happy na na-stuck siya sa love team nila ni Enrique Gil dahil nabanggit nga rin niya na since 16 years old siya ay isa lang ang naging leading man niya at paulit-ulit lang ang genre na kanilang ginagawa na romance, comedy and drama, na tatlong direktor lang daw ang nagro-rotate na katrabaho niya, under the same production.
Sa true lang, parang may mali sa mga statements na ito ni Liza. Natural lang naman na isa lang ang produksiyon niya which was Star Cinema dahil nakakontrata siya sa Star Magic ng ABS-CBN.
Si Quen ang lagi niyang nakakasama dahil nga nag-click ang love team nila at maaaring hindi magustuhan ng mga tao kung ipapareha siya sa iba noong mga panahong ‘yun.
In the first place, kung hindi nag-click ang love team nila ni Enrique, baka nga hindi siya sumikat.
Who knows, ‘di ba?
Sinasabi niyang she was never asked for her input or ideas. Pero has she ever voiced out her opinions kahit hindi siya tinatanong? Kasi naniniwala naman kaming puwede siyang magsalita kung ano ang gusto niya at hindi ‘yung kahit ayaw niya ay tanggap siya nang tanggap. You don’t have to wait to be asked, you can just simply say what you want or you don’t want regardless kung ano ang maging pagtanggap nila.
Actually, naiintindihan naman namin kung gusto niyang mailabas ang kanyang sariling artistic side, na may mga sarili siyang ideas. Pero lahat ‘yan ay dapat nasa tamang panahon. Hindi puwedeng sugod lang nang sugod dahil kapag hindi nagustuhan ng tao, tapos ka na.
Honestly, at this point, sa tingin namin ay hindi pa ito ang right time for Liza to be doing solo.
Wala pa siyang napapatunayan sa sarili niya actually. ‘Yung success and popularity na tinatamasa niya for the longest time ay dahil sa love team nila ni Quen.
Hindi ba niya napapansin na malaki ang nabawas sa popularity niya simula nang humiwalay siya sa love team?
Well, sana lang ay hindi agad nagsarili ng desisyon si Liza regarding her career. Dapat ay kumonsulta rin muna siya sa ibang mas nakakaalam at mas matagal na sa business. But siyempre, hindi niya ito ginawa dahil sabi nga niya, sarili niya itong desisyon at ngayon lang siya nag-decide for herself.
Sana lang ay hindi siya nagkamali sa desisyon niya at mapatunayan niya talaga in the end na worth it lahat ang ginawa niyang pagtalikod sa pangalang Liza Soberano.
Sabi nga niya, “I’ve sacrificed my childhood, I’ve sacrificed my freedom and I’ve sacrificed my happiness to present Liza Soberano to the world.”
Now, it’s the other way around, she sacrificed her career over her happiness. This is not wrong because lahat naman tayo ay gustong maging masaya. As long as happy siya talaga, eh, sino ba naman tayo para kumontra? Kaya sana nga ay maging masaya na siya sa kanyang desisyon.




Comments