top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Liza Soberano, tinakot at pinagbantaan ng General sa pag-participate sa online youth forum ng...

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 25, 2020
  • 2 min read

Gabriela partylist?!

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | October 23, 2020



‘PINAS, MISTULANG PROVINCE NA NG CHINA—Sa imbestigasyon ng Senado tungkol sa “Pastillas Gang” ay inamin ng Bureau of Immigration (BI) na mula year 2017 hanggang ngayon ay nasa higit 4 milyong Chinese na ang nakapasok sa Pilipinas.


Eh, sa dami ng Chinese na ‘yan na nasa bansa, aba, mistulang probinsiya na pala nila ang ating bansa? Buwisit!


◘◘◘


LIZA SOBERANO, PINAG-TRIPANG TAKUTIN AT PAGBANTAAN NG GENERAL—Matapos lumahok si Liza Soberano sa online youth forum ng Gabriela partylist ay binalaan umano ito ni Lt. Gen. Antonio Parlade, Jr. ng Philippine Army’s Souther Luzon commander, na umiwas sa grupong ito dahil baka matulad siya kay Gabriela youth member Josephine Lapira na sumapi sa NPA (New People’s Army) at napatay sa pakikipag-engkuwentro sa tropa ng pamahalaan.


Grabe, nag-participate lang naman si Liza sa online forum ng Gabriela partylist na ang paksa ay tungkol sa karapatan ng kababaihan, eh, tama ba na takutin at pagbantaan siya, tsk-tsk-tsk!


◘◘◘


PANG-SHOWBIZ ANG ARRIVE NI GEN. PARLADE—Hindi lang si Liza Soberano ang winarningan ni Gen. Parlade sa pagdikit sa Gabriela partylist, kundi pati sina Angel Locsin at Miss Universe Catriona Gray.


Hanep din naman ang heneral na ito, showbiz na showbiz ang arrive, boom!


◘◘◘


BAKA PATI SI YORME ISKO, I-RED-TAGGED NG MGA DDS AT NI GEN. PARLADE—Hindi nagustuhan ni Manila Mayor Isko Moreno ang ikinabit na tarpaulin na may nakasaad na persona-non-grata na sa Metro Manila ang CPP-NPA-NDF (Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front) kaya’t ipinatanggal niya ito, dahil aniya, sa panahon ng COVID-19 pandemic dapat daw ang umiral ay pagmamahal sa kapwa at hindi pagkamuhi.


Naku, baka dahil sa ginawang ‘yan ni “Yorme” ay i-red-tagged o bansagan siyang terorista ng mga DDS at ni Gen. Parlade, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page