top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

LIZA, PINAIYAK NI DIREK JOEL SA FILM AMBASSADORS' NIGHT

BULGAR
Mar 1, 2022
2 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | March 1, 2022


Pinaiyak ng award-winning director na si Joel Lamangan si Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson and CEO Liza Diño-Seguerra sa garden ng Manila Metropolitan Theater kung saan ginanap ang 6th Film Ambassadors’ Night last Sunday.


Katsika namin si Chair Liza at kinukuha ang kanyang reaksiyon sa matagumpay na panunumbalik ng face-to-face gathering ng mga taga-movie industry sa taunang Film Ambassadors’ Night na isa sa mga binuo niyang malalaking proyekto as FDCP chairwoman.


“Tuloy lang ang trabaho, 'di ba, Direk?” sabi ni Chair Liza sa katabing si Direk Joel Lamangan.


Tanong ni Direk Joel kay Chair Liza, “Pagkatapos ni (Presidente Rodrigo) Duterte, saan ka na?”


Natawa si Chair Liza, pero agad ding sinundan ni Direk Joel ang kanyang tanong ng pagwi-wish na sana, siya pa rin ang ilagay bilang FDCP head.


“Sana dito (FDCP) ka pa rin. Oo, totoo ‘yan. I don’t like Duterte, but I like her. Sana, dito ka na lang kahit sino pa ang manalo,” say pa ni Direk Joel kay Liza.


Bigla namang nangilid ang luha sa mga mata ni Chair Liza.


“Ayan!” sabay talikod ni Chair Liza. “Ahh…love ko 'yan si Direk. I respect him much. You know, my first year in FDCP, nalaman ko kung ano ang kailangan sa industriya because of him.”

And every time manghihingi raw si Chair Liza ng advise kay Direk Joel, tatawagan niya ito at magdi-dinner sila.


Si Direk naman, never daw naging busy kapag niyaya siya ni Chair na mag-usap.


“Minsan, inookray niya ‘yung ginagawa ko. ‘Hindi ko gusto ang ginagawa mo,’ ganoon siya minsan," ayon kay Liza.


Base sa mga sinabi ni Direk Joel kay Liza, it is already an affirmation or an award sa lahat ng magaganda at very successful projects na ginawa ni Chair sa FDCP at sa 100 percent support niya para sa mga workers sa film industry.


Papuri pa ni Direk Joel kay Liza, “Well, malaki ang naitulong niya sa industriya pati sa mga manggagawa, grabe.”


“Thank you, Direk. That’s all I need,” sabay iyak pa ni Liza.


Dahil sa face-to-face na ang FAN awarding, ito na raw ang magpapasimuno ng panunumbalik ng mga malalaking face-to-face events.


“Ano ‘to, eh, it’s a sign of hope. Kasi ‘yung mga ganitong events, ibig sabihin, ito na ang simula ng pag-open talaga ng industry. It’s been hard. Predictable. Bukas-sara, bukas-sara. Walang investments. And then people who are here, they are in. They’re ready to work again. They are ready to shoot. They are ready to face “this” better normal,” esplika niya.


In fairness, nakaka-goosebumps ang feeling when we attended the Film Ambassadors’ Night sa makasaysayang Manila Metropolitan Theater.


And kudos too sa buong production team ng FDCP for staging FAN Awards Night.


Napaka-high tech ng stage, very artistic na production number, well-researched materials at fast-paced ang ceremony.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page