LIZA, PASOK SA HOLLYWOOD'S BRIGHT NEW STARS OF 2023
- BULGAR
- May 1, 2023
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | May 1, 2023

Kung negative para sa iba ang dating ng interview kay Liza Soberano sa podcast na Get Real with Ashley Choi & Peniel, positive naman ang naging reaction ng iba sa pagkakasama ng aktres sa US magazine na Town and Country as one of Hollywood's Bright New Stars of 2023.
Kabilang si Liza sa 6 na pangalan na nasa listahan na kinabibilangan nina Will Harrison, West Duchovny, Priya Kansara, Khris Davis at Kylie Rogers.
Nakasulat sa profile ni Liza ang upcoming Hollywood movie niyang Lisa Frankenstein.
Nakasulat din na hindi siya newbie sa industry. Nabanggit ang showbiz career niya sa Pilipinas pati ang almost 18 million followers sa Instagram.
Sa interview ng nasabing magazine kay Liza, ang sabi nito, "I began my career here as a nobody, which means I'm discovering things about myself that I never knew."
Nag-comment si Pia Wurtzbach ng, "Liza killing it again," habang ang ibang taga-showbiz, pinusuan ang post ni Liza ng pag-feature sa kanya ng magazine.
Samantala, ang mga fans naman ni Liza, hindi nagpapigil sa pagko-comment.
Ang mataray na comment ng isang fan ni Liza, "Napahiya ang mga bashers and detractors ni Liza. Buti nga! Hahaha!"
Habang ang isa naman ay nag-iwan ng mensahe kay Liza, "Never get fazed by the senseless comments, Liza... they just hate to see young women steer the wheel and take command."
At ito naman ang masayang comment ng isa pang fan ni Liza, "Keep moving, Liza! You can make it. You’re already making it. Don't ever look back except you want to see how far you gone."





Comments