Liza, oh! SIGAW NI KATHRYN: HINAHAYAAN AKO NG ABS-CBN SA GUSTO KONG GAWIN
- BULGAR
- Mar 30, 2023
- 1 min read
ni Beth Gelena @Bulgary Files | March 30, 2023

Very grateful si Kathryn Bernardo at todo ang pasasalamat sa ABS-CBN na simula bata pa lang siya ay ang network na ang nangalaga sa kanyang career.
Ani ng bankable actress, "I'm grateful to this team, to ABS-CBN, my bosses."
Kamakailan lang ay nag-celebrate si Kathryn ng kanyang 27th birthday. May ibinigay na gift ang ABS-CBN sa kanya na hindi niya inaasahan. Ito ay ang dalawang movies na kanyang gagawin under Star Cinema.
Sa unang movie ay makakasama niya si Dolly de Leon na ayon sa Kapamilya actress ay tinanggap na umano ng veteran actress.
Ang pangalawa naman ay si Direk Olivia Lamasan ang kanyang magiging direktor kung saan ito raw ang unang pagkakataon na magiging daring ang aktres sa pelikula.
Pareho yatang wala sa movie si Daniel Padilla dahil hindi lumalabas ang name ng boyfriend sa inilabas na teaser ng Star Cinema. Mukha ngang solo flight na rito ang aktres.
Ang movie na pagsasamahan nina Kathryn at Dolly ay may title na A Very Good Girl, habang ang ididirek naman ni Direk Lamasan ay may title na Elena 1944.
Ani Kath sa kanyang IG, "With this, I'm grateful to this team, to ABS-CBN, to my bosses, to everybody behind me because nandiyan lang sila. They all have my back. They are allowing me to do things na gusto ko pang i-pursue."





Comments