LIZA, NAG-GUEST SA SHOW NG 2 TV NETWORKS SA USA

ni Nitz Miralles @Bida | September 26, 2026

Photo: IG _lizasoberano
Tuwang-tuwa ang mga fans ni Liza Soberano sa guesting nito sa NBC at Telemundo, dalawa sa major TV networks in the US. Ang guesting ni Liza ay kasama sa promo ng animation film nila ni H.E.R. na Forgotten Island.
Sa Today Show ng NBC nag-guest si Liza at pinansin ang pagiging articulate nito.
Successful din ang world premiere ng nabanggit na pelikula na ginawa sa Lucas Museum of Narrative Art in South Los Angeles. Present sa world premiere ang buong cast ng DreamWorks movie at agaw-eksena ang Jollibee mascot.
Part na ng Filipino culture si Jollibee at kasama ito sa pelikula, kaya rumampa rin.
Nabanggit din ni Liza na part ng Filipino culture ang plastic chairs, kaya makikita rin ito. Sa after-party, nag-serve ng Peach Mango Pie at Jollibee chicken.
Maganda ang review sa Forgotten Island at wish ng mga fans ni Liza, mag-open ito ng more opportunity for her. More Hollywood projects for her para raw matupad ang dream nito, hindi lang para sa kanya kundi para sa bansa na rin.
Paulo, todo-suporta sa aktres…
LAKAM, MAS MARAMING KAKAMPI SA PAMILYA KESA KAY KIM
Out on bail na si Lakambini ‘Lakam’ Chiu matapos makapagpiyansa ng P5.6 million, pero pansamantala lang daw ito. Hindi rin daw cash, kundi surety bond ang ginamit para makalaya.
Nag-Google kami to know the meaning of “surety bond” at ang nabasa namin, “A surety bond is a three-party contract that guarantees one party will perform a duty or obligation to a second party.”
Hindi maganda ang mga comments ng mga netizens sa paglaya ni Lakam, at the same time, may payo sila kay Kim.
Sey ng isang fan, “Sana, mag-double ingat na si Kim sa susunod.”
Nalungkot din ang mga netizens dahil tila nahati ang pamilya ng aktres at ang karamihan sa pamilya niya, si Lakam ang sinuportahan.
Samantala, may nagpayo kay Paulo Avelino na huwag nang sumali sa family problem ni Kim.
“Stay out of it,” ang sey ng ibang netizens.
Pero sey ng mga fans, wala raw mali sa ginawa ng aktor na pagpo-post sa X (dating Twitter) dahil wala naman itong binanggit na pangalan at ipinaliwanag lang ang value ng mga nawalang pera.
Nagpakita lang daw ng suporta si Paulo kay Kim at walang masama roon. Kung hindi naman daw susuportahan si Kim, may masasabi pa rin ang mga tao.
Saka, isa raw ang aktor sa mga nasasandalan ni Kim at nasasabihan ng kanyang mga
problema at naka-public na ang kaso, bakit bawal mag-react at magpakita ng suporta?
May mga nagtatanong naman kung nakakausap ba o kinausap si Kim ng father at kapatid niya na sumusuporta kay Lakam? Ano raw kaya ang napag-usapan nila?
NAGSIMULA na ang registration sa gaganaping FunRide PH na ang nasa likod ay si Alden Richards at ang Myriad Events at Myriad Productions. Gaganapin ang first FunRide PH sa November 7 sa Quirino Grandstand.
Masaya ito dahil pati mga bata ay makakasali. May 5K Family Ride open for beginners, kids, and families. Ang 10K Bay Loop ay para sa hobbyist at weekend warriors at babaybayin nang naka-bisikleta ang Manila Bay hanggang Intramuros.
Ang 21K Heritage Loop ay premiere distance at tatakbuhin ang heart ng Manila, kasama ang Jones Bridge at Binondo Bridge.
Ito ang paalala para sa mga sasali, “FunRide PH is more than just a bike event—it is a nation on the move. Get ready to join an inclusive cycling community united under one powerful mission: Moving People. Inspiring Change.”
Ang dami agad nagsabing sasali sila at excited sa 21km dahil malayo ang iikutan gamit ang bike. Ang ibang details, ilalabas sa mga susunod na araw. Maghintay lang at payo sa mga walang bisikleta, bumili na.
Tinupad ni Alden ang ipinangako a few months ago na mag-i-sponsor siya at ang kanyang company ng bike run at heto na nga ‘yun.
And speaking of Alden, sa Monday na ang premiere ng Love, Siargao series nila ni Nadine Lustre sa GMA-7. Finally, mapapanood na ang series shot in Siargao at para sa mga hindi pa nakakapunta (gaya namin), masisilip natin ang magandang lugar na ito – ang tourist spot na sinasabing mas marami pa ang foreign tourists kesa legit residents.





Comments