LIZA, JOIN SA RICH CRAZY ASIANS MOVIE?!
ni Nitz Miralles @Bida | April 24, 2023

Ipinost ni Liza Soberano sa kanyang Instagram story ang isang larawan kung saan kasama niya ang writer ng pelikulang Crazy Rich Asians na si Kevin Kwan at ang director ng pelikulang Yellow Rose na si Diane Paragas.
Natuwa ang mga fans ni Liza sa larawang ibinahagi ng aktres sa kanyang social media.
Kahit na walang caption ang naturang post at hindi rin binanggit kung bakit niya kasama ang dalawang personalidad ay nakaramdam pa rin ng excitement ang mga tagahanga ng aktres para sa kanya.
May nag-comment nga ng "Go get it, Hopie. Nandito lang kami."
May nagsabi ring, "May this be the sign of something exciting."
At ang sambit pa ng isa, "Get the bag, Hope."
Ang wish ng mga supporters ni Liza ay makasama ang kanilang idolo sa sequel ng sikat na pelikulang CrazyRich Asians na napapabalitang kukunan dito sa Pilipinas.
Anuman ang mga susunod na projects ni Liza, makakaasa ang aktres na susuportahan siya ng mga tagahanga niya at hindi siya iiwan ng mga ito kahit na maraming negatibong isyu ang ibinabato sa kanya.





Comments