LIZA, GUSTUNG-GUSTO NANG MAKAWALA KAY ENRIQUE
ni Nitz Miralles @Bida | March 7, 2023

Totoo naman pala ang sinabi ni Liza Soberano na “We never had a thing” na ang tinutukoy ay si James Reid dahil usap-usapan na baka nagka-develop-an na sila ng manager niya.
Sa lie detector test challenge sa kanya ni Bea Alonzo, naitanong ang tungkol sa kanila ni James at itinanggi nitong may namamagitan sa kanila.
Ayaw na ni Liza ng love team at ito ang dahilan kung bakit hindi siya nagpo-post tungkol sa boyfriend niyang si Enrique Gil. Aminado si Liza na nahihirapan siya as a solo artist dahil nga sa naging love team nila ni Enrique.
Napansin namin, ang daming kinimkim sa loob ni Liza at tama ang sinabi nitong ngayon lang siya naging free sa mga gustong gawin at sabihin.





Comments