LIZA, BINILHAN NG P98K NA SUITCASE SI MIMIYUUUH
ni Nitz Miralles @Bida | April 15, 2023

Napanood namin ang video na nawindang si Mimiyuuuh nang sabihin ni Liza Soberano na bibilhan siya nito ng Rimowa suitcase.
Nangyari ang usapang iyon pagkatapos i-treat ni Liza sa meal at bilhan ng ibang items ang vlogger. Tinupad nga ni Liza ang kanyang sinabi at binili ang suitcase for P98,000.
Maririnig na sinabi ni Mimiyuuuh ang "Liza. 'wag na,' at ang sagot ng aktres na "Kunin mo na 'yan. Deserve mo 'yan," at pinilit si Mimiyuuuh na tanggapin ang mamahaling Rimowa suitcase.
Nagkita ang dalawa dahil guest ni Mimiyuuuh si Liza sa vlog nito at game naman ang aktres sa "Can't Say No Challenge."
Speaking of Liza, siya ang cover at featured artist sa April, 2023 ng Preview Magazine. Sa interview sa kanya, nabanggit ni Liza ang growing up years niya, difficult conversations, starting fresh and working towards her Hollywood dreams.





Comments