Liza, agaw-eksena sa Elton John's Oscars Party

ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | March 12, 2024

Dumalo ang aktres na si Liza Soberano sa kanyang pinakabagong Hollywood event, ang taunang Oscars watch party ni Elton John noong Marso 10.
Pumukaw ng pansin ang kagandahan ng Filipino-American actress sa kanyang white halter dress na may silver beaded collar. Lalo namang bumagay sa kanya ang simpleng makeup na may full red lipstick.
“And that sums up the 2024 awards season! Thank you so much to @eltonjohn and @ejaf for having me! #EJAFOscars” saad ni Liza sa Instagram.
Nag-oorganisa ang Elton John AIDS Foundation ng taunang viewing party para sa Academy Awards upang makalikom ng pondo para sa pananaliksik sa AIDS.
Nag-debut naman si Liza sa kanyang Hollywood film na "Lisa Frankenstein," kung saan siya ay gumanap bilang si Taffy, ang stepsister ni Lisa (Kathryn Newton).
Matapos ang tagumpay ng pelikula, nakapunta rin si Liza sa SAG Awards, sa Vanity Fair’s Vanities: A Night For Young Hollywood event, at naging presenter sa 2024 Crunchyroll Anime Awards sa Japan.





Comments