top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Litung-lito na ang mamamayan sa dami ng ‘community quarantine’ sa bansa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 25, 2021
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | March 25, 2021



MINSAN NAKAKABILIB AT MINSAN NAKAKAINIS ANG UP-OCTA—Iminungkahi ng University of the Philippines (UP)-OCTA Research Group sa pamahalaan na dahil sa muling pagdami ng mga tinatamaan ng COVID-19, dapat magpairal ng “hard GCQ” (General Community Quarantine) at “soft MECQ” (Modified Enhanced Community Quarantine).


Itong UP-OCTA, minsan nakakabilib pero may time rin na nakakainis kasi mantakin ninyo, litung-lito na ang mamamayan sa dami ng ‘community quarantine’ sa Pilipinas, tapos gusto pang padagdagan ng UP-OCTA ng “hard GCQ” at “soft MECQ”, pwe!


◘◘◘


ANG DAMI NA NAMANG NAWALAN NG WORK SA RESTRICTIONS, TAPOS HINDI NAPAG-USAPAN ANG AYUDA—Maraming Pinoy na naman ang nawalan ng trabaho dahil sa ipinatupad na mahigpit na community restrictions dahil sa muling paglobo ng kaso ng COVID-19.


Kaugnay nito, sa meeting ni P-Duterte at mga miyembro ng IATF (Inter-Agency Task Force), sa dami ng kanilang mga pinag-usapan na may kaugnayan sa pera, utang, donasyon at bibilhing bakuna at pulitika, hindi nila napag-usapan ang ayuda sa mga nawalan ng hanapbuhay.


◘◘◘


CBCP AT DUTERTE GOV’T., TODO-BANGAYAN NA NAMAN—Umalma ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa kautusan ng Duterte gov’t. na ipagbawal ang misa sa loob ng mga simbahan upang maiwasan umano ang hawaan ng COVID.


Pero sa kabilang banda ay pinayagan naman ng pamahalaan na mag-operate ang mga gyms at SPA.


Dahil d’yan, ayon sa CBCP ay paiiralin nila ang ‘separation of church and state’, itutuloy nila ang misa sa mga simbahan ngayong Semana Santa pero magpapairal naman sila ng health protocols.


Samantala, ang babala ni Presidential spokesman Harry Roque, na kapag itinuloy ang misa, ipasasara ang lahat ng Catholic church sa bansa.


‘Yan ang malungkot na nangyayari ngayon sa Pilipinas, na sa gitna ng pandemya ay nagbabangayan pa ang Duterte gov’t. at Catholic church, period!


◘◘◘


PAGHIHIGPIT SA SIMBAHAN, PARTE NG DISKARTENG PAHINAIN ANG PANANAMPALATAYA NG MGA TAO SA CATHLOLIC CHURCH?—Sa totoo lang, may punto ang CBCP na mabahala sa aksiyon ng Duterte govit. na pinagbabawal ang misa, pero hindi bawal mag-gym at magpa-SPA.


Maaari kasing iniisip ng CBCP na nais ng Duterte gov’t. na pahinain ang pananampalataya ng mamamayan sa Catholic church kasi nagbitaw ng salita si P-Duterte noong Fen, 25, 2019 na sa loob ng 25 years, wala na ang Catholicism o laos na raw ang Katoliko sa Pilipinas, tsk-tsk-tsk!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page