top of page

Listahan ng mga reserba sa NBA All-Star Game, ayos na

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 3, 2024
  • 2 min read

ni Anthony Servinio @Sports | February 3, 2024


ree

Inilabas na ang listahan ng mga reserba para sa taunang NBA All-Star Game ngayong Pebrero 19, petsa sa Pilipinas, mula sa tahanan ng Indiana Pacers Gainbridge Fieldhouse.  Ang mga coach ng liga ang pumili ng mga manlalaro kung saan babalik ito sa kinagawian na laban ng Eastern kontra Western Conference. 


Binubuo ang reserba ng East na sina Jaylen Brown, Donovan Mitchell, Jalen Brunson, Julius Randle, Bam Adebayo, Tyrese Maxey at Paolo Banchero.  Nasa West sina Stephen Curry, Kawhi Leonard, Paul George, Anthony Davis, Karl Anthony Towns, Devin Booker at Anthony Edwards. 


Nauna nang ipinakilala ang mga First 5 na pinili ayon sa online botohan ng mga tagahanga at boto ng mga mamahayag at kapwa manlalaro.  Sina Giannis Antetokounmpo at LeBron James ang magsisilbing mga kapitan matapos makalikom ng pinakamaraming boto. 


Ang iba pang mga starter ng East ay sina MVP Joel Embiid, Jayson Tatum, Damian Lillard at Tyrese Haliburton.  Ang sa West ay sina Luka Doncic, Shai Gilgeous-Alexander, Kevin Durant at Nikola Jokic. 


Samantala, kahit lumiban ang mga All-Star LBJ at Davis, nagwagi pa rin ang Los Angeles Lakers sa matagal na karibal at kumpletong Boston Celtics kahapon sa TD Garden, 114-105.  Bumanat ng pitong three-points si Austin Reaves patungong 32 puntos habang may 16 puntos at 14 assist si D’Angelo Russell. 


Nagtala ng 23 si Tatum subalit nalimitahan si Brown sa walo lang.  Numero uno pa rin sa NBA ang Celtics sa 37-12 habang pumantay ang Lakers sa 25-25. 


Umarangkada rin ang New York Knicks laban sa Pacers, 109-105, ang kanilang ika-siyam na sunod at manatili pangatlo sa East sa 32-17.  Iginunita ni Brunson ang paghirang sa kanya sa All-Star sa pagsabog ng 40 puntos upang takpan ang pagliban ng kapwa All-Star Randle.


 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page