Listahan ng mga ‘di bakunadong residente, isumite ng mga barangay – DILG
- BULGAR

- Jan 12, 2022
- 1 min read
ni Lolet Abania | January 12, 2022

Iniutos na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa lahat ng barangay ng lokal na pamahalaan na magsumite na ng listahan ng mga hindi pa bakunadong residente kontra-COVID-19, ayon kay spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya.
Sa Laging Handa public briefing ngayong Miyerkules, sinabi ni Malaya na si DILG Secretary Eduardo Año ay nag-isyu ng order para sa implementasyon ng paghihigpit sa galaw ng mga indibidwal na hindi pa nababakunahan laban sa COVID-19.
“Nagpalabas po si Secretary Año ng memorandum circular para magsagawa ang lahat ng mga barangay sa buong bansa para malaman ‘yung hindi pa nagpapabakuna sa barangay,” ani Malaya.
Ayon kay Malaya, ito ay bilang pagtugon sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na higpitan ang galaw ng mga hindi pa nababakunahang indibidwal.
Kapag ang inventory ay available na, aniya ang mga barangay ay maaari nang ipatupad ang restrictions sa mga unvaccinated individuals sa pamamagitan ng isang ordinance.
Sa hiwalay na interview kay Malaya, sinabi nitong ang inventory ay ipapasa kada buwan sa DILG.
Sa Metro Manila, ayon kay Malaya ang Pasig, Makati, at Navotas na lamang ang hindi pa nakakapagpasa ng isang ordinance hinggil sa restriksyon. Gayunman aniya, sa mga susunod na araw, lahat sila ay makukumpleto na ring maipasa ang kanilang ordinansa.
Sa ibang lugar, sinabi ni Malaya na inaasahan na niyang makapagpapasa na rin ang mga LGUs ng katulad na mga ordinances, habang ang League of the Provinces of the Philippines (LPP) ay nag-isyu na ng isang resolusyon, kung saan hinihimok ang kanilang mga miyembro na isagawa na ito.




Comments