top of page
Search
  • BULGAR

Listahan ng mga barangay na binibigyan ng pondo, salaing mabuti para walang problema!

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | November 18, 2020



Sa panahon ng pandemya at La Niña, ang bawat piso ay mahalaga.


Ngayong kasagsagan ng pagtalakay ng panukalang 2021 national budget, mahalagang salain ang pinatutunguhan ng napakahalagang pondo sa bawat opisina nang masigurong hindi masasayang ang pera.


☻☻☻


Nitong nakaraang Lunes, tinalakay sa Senado ang proposed P19-billion budget ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).


Ang isyu, nanganganib magkaroon ng duplication ang pagkakaloob ng pondo sa listahan ng NTF-ELCAC ng 822 barangay sa buong bansa na “cleared” na sa insurgency.


P16.4 billion ng kabuuang budget ng NTF-ELCAC ay nakalaan para sa mga proyektong maaaring umabot sa P20 million bawat barangay:

  • P12 million for road concreting

  • P3 million for school buildings

  • P2 million for water sanitation

  • P1.5 million for greening

  • P1.5 million for health stations


☻☻☻


Ngunit napuna nating may mga barangay sa NTF-ELCAC list na kasama na rin sa Last Mile School Program ng Department of Education at Enhanced Greening Program ng Department of Environment and Natural Resources.


Kinakailangang maglabas ang Department of Budget and Management ng counter-checked na listahan ng mga barangay na benepisaryo ng iba’t ibang programa nang masigurong hindi nagdodoble-doble ang natatanggap.


Kailangan ding masiguro na talaga ngang eligible ang mga barangay na bibigyan ng pondo. Napansin nating may mga barangay mula sa highly-urbanized cities na kasama sa listahan.


Alam ng lahat na very minimal ang problema sa insurgency sa mga highly-urbanized cities, kaya dapat mas priority ang mga 4th at 5th class municipalities lalo pa’t sila ang may pinakamalaking benepisyong makukuha sa dagdag-pondo.


☻☻☻


Aabot sa P1 billion ang maaaring matipid ng pamahalaan kung sasalain nang mabuti ang listahan ng mga barangay.


Malaking halaga ito na mainam sanang ma-realign sa mga kagyat na pangangailangan tulad ng disaster response at recovery.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang pahalaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻

 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page