top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Lions at Tatak GEL, nanligpit sa NBL Cup

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 9, 2023
  • 2 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | July 9, 2023




Mga laro ngayong Linggo – Bulacan Capitol Gym, Malolos

4:30 p.m. Muntinlupa vs. CamSur

6:30 p.m. Kapampangan vs. Bulacan


Rumehistro muli ng doble-panalo ang rumaragasang Santa Rosa Lions at Tatak GEL Binan sa pagpapatuloy ng 2023 National Basketball League (NBL-Pilipinas) President’s Cup Biyernes ng gabi sa Jesus Is Lord Colleges Foundation sa Bocaue, Bulacan. Iniligpit ng Lions ang Muntinlupa, 74-66, at kumapit hanggang sa huli ang Biñan upang manaig sa CamSur Express, 82-81.


Tabla ang laro sa 79-79 at sumaksak si Alexander Villacorta upang palamangin ang Tatak Gel, 81-79, at 31 segundo sa orasan. Dumagdag ng free throw si Vinny Begaso para maging 82-79 na may 6 na segundong nalalabi at napunta ang bola sa tumatakbong si Fredson Hermonio na naka-shoot sabay hanap ng foul galing sa humabol na si Begaso subalit ubos na ang oras.


Si Villacorta ang Best Player sa kanyang 24 puntos. Humugot siya ng tulong kay Allen Papa na may 14 at Raymart Amil na may 12. Dominado ng Lions ang laro at hanggang tatlong beses lang nakatabla ang Muntinlupa. Itinayo ng Santa Rosa ang pinakamalaking agwat sa second quarter, 31-19, at hindi na nakaporma ang Muntinlupa.


Best Player muli si kapitan Jeff Disquitado sa 12 puntos at 15 rebound. Sinuportahan ni Kiervin Revadavia na may 12 puntos din. Sisikapin ng Express at Muntinlupa na bumangon ngayon araw sa kanilang tapatan sa Bulacan Capitol Gym simula ng 4:30 p.m. Susundan ito agad ng tampok na laban ng bisita KBA Luid Kapampangan at DF Bulacan Stars sa 6:30 ng gabi.


Gaya ng CamSur at Muntinlupa, parehong galing sa talo ang Pampanga at Bulacan noong nakaraang Linggo. Nabigo ang Stars sa Biñan sa overtime, 100-104, habang lagpak ang Kapampangan sa Santa Rosa, 74-92.


Inaasahan ang matinding patalasan ng shooting nina Exeqiel Biteng ng Stars at Lhancer Khan ng Luid. Aabangan din ang labanan ng mga higanteng sina RV Jumaquio ang Bulacan at Christian Garcia ng Kapampangan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page