top of page

Lindol, ‘di simbolo ng kamatayan, ituring na pulso o pintig ng puso

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 12 hours ago
  • 3 min read

ni Ka Ambo @Bistado | October 15, 2025



Bistado ni Ka Ambo


Kapansin-pansin ang halos araw-araw na paglindol sa iba’t ibang bahagi ng archipelago ng Pilipinas.

Opo, isang arkipelago ang Republika ng Pilipinas taliwas sa mga bansa sa America at Europe.


-----$$$--


MAHALAGANG maunawaan kung ano ang archipelago — na maglalarawan kung anong klase ng anyo ng lupa ang nasasakop ng ating bansa.

Ang archipelago ay grupo o kulumpon ng mga isla na napapaligiran ng malawak na tubigan gaya ng dagat, lawa o ilog.


-----$$$--


ANG Pilipinas ay inaakalang binabanggit sa Bibliya nang panahon ni Haring Solomon kung saan inilalarawan itong “kulumpon ng mga isla bago ang malawak na karagatan sa dakong silangan”.

Dito nag-ugat ang paniniwalang nagmula sa arkipelagong ito ang sintigas na bakal na troso na ginamit sa pagtatayo ng mga mga haligi sa Templo sa Jerusalem sa utos ni Haring Solomon.


----$$$--


ANG mga ginto at kamangyan na ginamit din sa pagdekorasyon sa Banal na Templo ay pinaniniwalaang nagmula rin sa Dulong Silangan kung saan naroon ang kulumpon ng mga islang kinaroroonan ng bundok ng mga ginto.

Ang isa sa Haring Mago na dumalaw sa Bethlehem na naghandog ng mamahaling hiyas sa sanggol na Kristo — ay sinasabing nagmula rin sa Dulong Silangan.


-----$$$---


SA huling aklat ng Bibliya — sa Apokalipses, sinasabing matapos mahulog ang mga bituin, dumaluyong ang hindi mabilang na insekto sa kalawakan at magliyab ang mga kabundukan, lilitaw ang anghel bilang isang “Ibong Mandaragit” na magmumula rin sa Dulong Silangan.

Alalahanin nating tanging ang ‘Pinas lamang -- ang Kristiyanong bansa sa kontinente ng Asia.


----$$$---


Ang Pilipinas ay siyang tanging kulumpon ng mga isla bago ang malawak na karagatan — ang Dagat Pasipiko — lumalambong sa higit na kalahati ng ibabaw ng mundo.

Kung matutuyo ang tubig sa paligid ng Pilipinas, susungaw sa bandang kanluran ang isla ng Benham Rise o Philippine Rise at hindi kalayuan ang pinakadambuhalang bunganga ng bulkan — ang Apolaki Caldera.


------$$$--


SA depinisyon, ang archipelago ay nabubuo matapos ang pagsabog ng bulkan.

Sa kaso ng ‘Pinas, ang higit sa 7,000 isla ay posibleng unang nabuo matapos ang pagbuga ng Apolaki Caldera —milyun-milyong taon na ang nakalipas.


----$$$--


INUUGAT ang kasaysayan ng Pilipinas na may pisikal na ebidensya at lohikang testimonya sa higit na 700,000 taong existence ng mga sinaunang tao sa kabundukan ng Kalinga Apayao — ang Homo Luzonensis.

Ang daloy ng sibilisasyon naman ay inuugat sa natuklasang DNA ng mga domestikadong sinaunang manok na nagmula rin sa isla ng Luzon.


-----$$$--


ANG arkipelago ng ‘Pinas ay hindi lang simpleng sentro ng paglalayag sa buong daigdig, bagkus ito ay duyan ng sibilisasyon ng sinaunang nilalang sa ibabaw ng lupa.

Ang lindol ay maituturing na pulso o pintig ng puso na ang sinisimbolo ay banal na buhay ng tao at materyang pisikal.


-----$$$--


Ang lindol ay hindi simbolo ng kamatayan, bagkus tulad ng pintig ng puso — ito ay indikasyon ng isang malusog at sagradong buhay na kaloob ng Maykapal.

Tuwing makikipagniig sina Moses at Abraham kay Bathala — may kidlat, may lindol at may apoy!


Malinaw kung gayon, ang kalamidad -- apoy, hangin, lindol -- ay hindi isang negatibong sitwasyon, bagkus ito ay signos ng pagdalaw ng ating Panginoon!


Hindi na natin dapat antayin — nandito na sa ating archipelago: kasama na natin NGAYON, ang ating PANGINOON!


Siya nawa, AMEN!




Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page