Batas ukol sa propesyon ng fishery
- BULGAR
- 15 hours ago
- 2 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | October 15, 2025

Dear Chief Acosta,
Sa dami na rin ng mga propesyon sa ating bansa, maaari bang malaman kung may batas na nagtatakda ng pagkakaroon muna ng sertipiko upang magampanan ang propesyon ng fishery? Salamat sa iyong ibibigay na kasagutan. -- Melcah
Dear Melcah,
Matatagpuan ang kasagutan sa iyong katanungan sa Seksyon 33 ng Republic Act (R.A.) No. 11398, o kilala rin sa tawag na “Philippine Fisheries Profession Act,” na nagsaad na:
“Section 33. Prohibition Against the Unauthorized Practice of the Fisheries Profession.— No person shall practice the fisheries profession in the Philippines or offer oneself as fisheries professional, or use the title, word, letter, figure or any sign tending to convey the impression that one is a fisheries professional, or advertise or indicate in any manner whatsoever that one is qualified to practice the profession, unless the person has satisfactorily passed the Board licensure examination for fisheries professionals, or registered as a fisheries professional without examination, except as otherwise provided in this Act, and is a holder of a valid Certificate of Registration and a Professional Identification Card or a valid special temporary permit duly issued by the Board and the Commission.”
Malinaw na nakasaad sa nabanggit na probisyon ng batas na walang sinumang tao ang dapat magsanay ng propesyon sa pangisdaan (fishery) sa bansa o mag-alok ng sarili bilang propesyonal, o gagamit ng pamagat, salita, liham, pigura o anumang palatandaan na may posibilidad na maghatid ng impresyon na ang isang tao ay propesyonal, o mag-advertise o magpahiwatig sa anumang paraan na bilang kuwalipikadong magsanay sa propesyon, maliban kung siya ay nakapasa sa board licensure examination, o nagparehistro bilang isang propesyonal sa pangisdaan nang walang pagsusuri, at may hawak ng isang valid certificate of registration at isang professional identification card o isang valid special temporary permit na ibinibigay ng Professional Regulatory Board of Fisheries at ng Professional Regulation Commission.
Kung kaya, bilang kasagutan sa iyong katanungan, may batas patungkol sa pagsasanay ng mga propesyon ng fishery sa ating bansa. Upang masigurado na kuwalipikadong indibidwal ang kausap, nararapat na hingin at maipakita ang mga dokumento na makapagpapatunay ng mga kredensyal bilang isang propesyonal.
Ang nasabing batas ay base sa polisiya ng gobyerno na magbigay ng prayoridad na atensyon at suporta upang gawing propesyonal ang pagsasagawa ng propesyon ng fishery sa Pilipinas, na magiging kapaki-pakinabang upang mapanatili ang seguridad sa pagkain at pag-unlad ng ekonomiya ng bansa, at upang mapahusay ang mga pamantayan ng edukasyon sa pangisdaan. Ang mga patakarang ito ay itinatadhana sa Republic Act (R.A.) No. 8550, na kilala bilang "Fisheries Code of 1998," at Republic Act No. (R.A.) 8435, na kilala naman bilang "Agriculture and Fisheries Modernization Act of 1997."
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.
I am happy to see the focus on professionalism in the seafood industry like in the game solitaired where every move is important and strategy is needed to arrange the cards quickly to win.