top of page
RUN WILD - BARBIE, NAPABILIB SI ALDEN SA PAGIGING WILD-IG _barbaraforteza.jpg

Sikat na aktres sa China… LINDA WALKER, GAME GUMAWA NG MOVIE SA ‘PINAS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 10
  • 3 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | June 10, 2026



Linda Walker - File

Photo: Linda Walker - File



Malayo sa eksena ng kanyang pagdating sa Pilipinas kung saan nagkagulo at nagkatulakan pa sa NAIA Terminal 3 nu’ng Linggo nang hatinggabi, mas kalmado at organisado ang ginanap na mediacon kahapon sa Luxent Hotel sa QC para sa Chinese actress na si Zhang Yangfei a.k.a. Linda Walker, ang bida sa Chinese vertical series na


The Heiress Who Won With Brains.

Dumalo rin sa ginanap na mediacon ang ilang officers and board members ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. para i-welcome si Zhang Yingfei, na dinala nila sa Pilipinas upang mag-promote ng kanilang Education for a Better Future campaign na naglalayong paalalahanan ang mga kabataan sa halaga ng edukasyon.


Education for a Better Future 

Nakakatuwa si Linda Walker na very at home sa ‘Pinas at kahit hindi nakakapagsalita-nakakaintindi ng Tagalog at Ingles ay game na sinagot ang lahat ng tanong sa kanya sa Q&A sa tulong ng interpreter.

Kuwento niya, nasa 4th year na siya sa Central Academy of Drama nang gampanan niya ang role ni Linda Walker sa The Heiress Who Won With Brains


Bukod sa acting, mahilig din daw siyang magluto at may cute dog siya sa China.

Tinanong namin kung willing siyang gumawa ng movie sa ‘Pinas kung sakaling may movie producer na mag-offer ng project at aniya, “Of course, enthusiastically, it would be an honor to do a movie here.”


We also asked her kung may boyfriend na siya at pag-amin niya, nu’ng nasa university pa siya ay may boyfriend siya, pero ngayon ay single na siya.


At nang mahingan namin ng payo si Zhang Yingfei para sa mga kabataang dumaraan sa mental health problem, ang sagot niya, “It’s very important to take care of your health because if you have good health, you can do anything.”


May maganda ring iniwang paalala si Linda Walker, “In China, there’s this saying that education can change your destiny,” kaya dapat daw mag-aral nang mabuti ang mga kabataan para mabago ang takbo ng kanilang buhay.




Piktyur sa debut, kumalat…  

18-ANYOS NA ANAK NI SEN. RAFFY SA IBANG BABAE, SUSTENTADO NG ORIG



NAKAUSAP namin ang isang malapit na tao kay Sen. Raffy Tulfo at tinanong namin ang reaksiyon ng controversial senator sa kumalat na larawan niya kamakailan na may katabing babae sa bed at may kasama pa silang tila isang bata na tinakpan ang mukha ng emoji.


Ayon sa source namin, mukhang hindi pa alam ni Sen. Raffy ang tungkol dito. Ang nakarating pa lang daw sa kanya ay ang nag-viral na photo niya na dumalo sa debut party ng kanyang 18-year-old na anak, na base sa mga kumalat na larawan, “Czelse” ang pangalan na nakasulat sa backdrop. 


Hindi naman daw idinenay ni Sen. Raffy ang tungkol dito at in fact, sa pagkakaalam daw ng aming source, tanggap din ng orig na misis ng senador ang pagkakaroon niya ng anak sa ibang babae.  


In fact, si ACT-CIS Partylist Rep. Jocelyn Tulfo pa nga raw minsan ang nagbibigay ng sustento sa anak ni Sen. Raffy sa ibang babae.


Dagdag pa ng aming source, hindi na raw isyu at big deal ang pagiging chickboy ng senador. At kung mambabae man daw ito, may pera naman daw kasing gagastusin at ang importante ay hindi raw ‘yun galing sa kaban ng bayan, dahil sa kinikita pa lang nito sa kanyang YouTube Channel ay more than enough na para bumuhay ng dalawang pamilya.

So, ‘yun naman pala!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page